[Verse 1]
Parang 'di ko kaya ito
Ang lumayo sa piling mo
'Di na alam kung paano
Mabuhay nang malayo sa 'yong puso
[Verse 2]
Sana nama'y pagbigyan mo
Hiniram na sandaling ito
Nang mabigyang buhay muli ang puso ko
Maranasang muli ang higpit ng yakap mo
[Chorus]
Maaari ba kitang mahalin kahit hindi ka akin
Maaari bang ikaw ay angkinin
Dahil mahal kita, lahat ay aking gagawin
Tunay na pag-ibig ko'y iyong damhin
[Bridge]
Ooohhh... hindi ko man mabibigay sa 'yo ang lahat
Asahan mong mamahalin kita nang walang katapat
[Chorus]
Maaari ba kitang mahalin kahit hindi ka akin
Maaari bang ikaw ay angkinin
Dahil mahal kita, lahat ay aking gagawin
Tunay na pag-ibig ko'y iyong damhin
Ooohhh...