[Verse 1]
'To na ang simula ng aking pangarap
Aking bibig ay hindi na mangangalay sa pagra-rap
'Yoko na rin mag panggap
'Yoko na rin makipaglokohan dun sa nasa harap
Ng salamin siya ang tanging kasangga (Tanging kasangga)
'Di mo pupwedeng sabihin na 'di ito para sa'kin
Musika lamang dahilan kung ba't nagpatuloy pa rin
'To lang ang aking kailangan bukod sa lapis at papel
Bibig ko magmimistulang baril, humanda na 'to nang pagkalabit
[Verse 2]
Bang! Akin nang napihit 'tong gatilyo
'Wag nang magtangkang hanapin 'yung dating ako
'Di ka papalarin kahit pa anino
Takot na lumamon sa'king pagkatao ay imbalido
At dang balasik ko, harang ay sino
'To ay sugal parang nag-casino
'Di man tanghaling pinakamagaling
Palag-palag pa rin kahit na kanino
[Verse 3]
Dami ng gustong sabihin
Tagal ng panahong nabitin
Dami ng tulang nakasilid sa'king utak
Teka bakit parang may mali
Mga bara na nayari, 'di ko namalayan na naging
Rehas na hinihimas ng aking sarili
[Verse 4]
Patindi ng patindi populasyon ng talata sa'king isip
Na mahilig maggala parang may binti
Tumutungo lagi sa lugar na madilim
Pero natutunan ko na kung pa'no magpigil
Paminsan na rin akong naging makitid
Gayunpaman walang bisa ang magsisi
Naging mulat
'Di na makatulog kahit pa na hindi
Naman naka-sindi
[Verse 5]
Apoy lalabas sa bibig, nag-iinit
Para nang dragong nagising sa paghilik
Ika'y gumilid at makinig nang marinig
Ang mahigpit na 'pag pitik ko sa
Beat, medyo mahilig 'to sa pilsen
'Di namumutla pero nawaring may sakit din
Kada bitiw sinisisiw panaginip
Darating din ito sa'kin yeah
[Verse 6]
Sabi ko naman sa'yo 'di ba
'Di ako isa sa mga nila-lang nila
Mga kaisipan ata'y natanikala
Sa ating mundong malawak ay inakala
Kalayaan nand'yan, isa 'yang himala
Kamalayan, saan nga ba 'to idinala
'Di tayo magkapareho ng karera
Kaya takbo ng utak ko'y iba
[Verse 7]
Baliwalain mga walang bilib
Ang nagtiwala sa'kin ako lang
Babaliktarin direksyon ng agwaheng
Madalas ay nakasalungat
Lalakbayin dagat gamit ang bangkang
Walang laman sarili lang upang
Hanapin ang nawawalang kaluluwang
[Verse 8]
Naiwanan na sa nakaraan
Tuloy-tuloy lang walang atrasan
Kahit empleyado pa kinabukasan
Walang palusot at dahilan
Hanggang sa ito nang pagkakitaan
Walang makitang rason para ayawan kinahiligan
'Di 'to hibang, baliw lang kapag mikropono ang nahawakan
Hindi man mapalad, 'di ko pa rin kayang mabitawan
Kay laking ambisyon na hinahangad
layag was written by Josue (PHL).
layag was produced by Josue (PHL).
Josue (PHL) released layag on Sun Apr 12 2020.