[Intro]
Kapos ka na ba sa isusuot mo na pamorma bukas sa ligaw?
Bakit may mantsa?
Natapunan pa ng toyo no'ng kumain ng lugaw
’Wag mo nang patagalin, mahirap 'yan tanggalin
Kung ako sa'yo gayahin mo ’to, simple lang ang gagawin
[Chorus]
Ihiwalay mo ang puti sa de color, alam mo na?
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat-ingatan mo na barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na
[Refrain]
Dahil ang buhay ay puno ng pag-asa
Isampay mo lang sa labas ang mga basa, aaraw mamaya
Simulan mo lang nang madali at nang maaga
Babad lang, kusot lang, banlaw na
[Verse]
Dapat lagi kang astig, cool ka sa paningin
Mamahalin na damit, hindi kulang sa diin
Isa lamang ang sagot sa tuwing tatanungin
"Mas tahimik ang alkansya na puno kung kalugin"
Sarilinin mo muna ang tagumpay
Yakapin mo nang galit, titigan ang mag-ingay
Walang ibang marka ng paa ka na makakasabay
Ikaw lamang ang matatalo o siyang magtatagumpay
Dahil ang buhay ay 'di malayo sa maduming damit
Pagkatapos mong labhan ay kayakap mo 'yan ulit
Parang bukas sa buhay natin na walang kapalit
Tyagain ang pagkusot, pigain nang mahigpit
[Chorus]
Ihiwalay mo ang puti sa de color, alam mo na?
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat-ingatan mo na barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na
[Refrain]
Dahil ang buhay ay puno ng pag-asa
Isampay mo lang sa labas ang mga basa, aaraw mamaya
Simulan mo lang nang madali at nang maaga
Babad lang, kusot lang, banlaw na
[Chorus]
Ihiwalay mo ang puti sa de color, alam mo na?
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat-ingatan mo na barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na
[Outro]