[Verse 1]
Sa bintana'y nakadungaw na
Sinag ng araw sa aking mukha
Sa dagat ay nais magpunta
Magtampisaw kasama ang barkada
Magda-drive hanggang sa mapagod
Hahabulin ang araw 'gang sa paglubog
Basta't makasama ka lang ng matagal
Oh, ito ang pinakahihintay
[Pre-Chorus 1]
Masilayang muli ang ganda ng panahon
Maramdaman ang hangin at hampas ng alon
Lumabas ng walang pangamba
Makita ang ngiti ng bawat isa
[Chorus]
Na-na-na-na-nararamdaman ko na...
Ang summer lalo't nandiyan ka
Na-na-na-na-nakaka-excite
Lumabas kung ikaw ang kasama
[Hook]
(Na-na-na, na-na-na)
Kung ikaw ang kasama
(Na-na-na, na-na-na)
Kung ikaw ang kasama
(Na-na-na, na-na-na, na-na-na)
Nakaka-excite lumabas kung ikaw ang kasama
[Verse 2]
Tanggal ang pagod pag kasama ka
Mga problema'y limot ko na
Sa mga tawa mo'y sumisigla
Oh, nami-miss ko na tayong dalawa
[Pre-Chorus 2]
Magkasamang mag-food trip pag nagkukwentuhan
Walang humpay na kasiyahan
Lumabas ng walang pangamba
Makita ang ngiti ng bawat isa
[Chorus]
Na-na-na-na-nararamdaman ko na...
Ang summer lalo't nandiyan ka
Na-na-na-na-nakaka-excite
Lumabas kung ikaw ang kasama
[Hook]
(Na-na-na, na-na-na)
(Na-na-na, na-na-na)
Kung ikaw ang kasama
(Na-na-na, na-na-na, na-na-na)
Nakaka-excite lumabas...
(Na-na-na, na-na-na)
Ohhh... ikaw ang kasama
(Na-na-na, na-na-na)
Kung ikaw ang kasama
(Na-na-na, na-na-na, na-na-na)
Nakaka-excite lumabas kung ikaw ang kasama
Kung Ikaw Ang Kasama (Sparkle GMA Artist Center Summer Song) was written by Natasha Correos.
Kung Ikaw Ang Kasama (Sparkle GMA Artist Center Summer Song) was produced by GMA Playlist.
Zephanie released Kung Ikaw Ang Kasama (Sparkle GMA Artist Center Summer Song) on Tue Apr 12 2022.