Kung Bakit Ngayon by Aicelle Santos
Kung Bakit Ngayon by Aicelle Santos

Kung Bakit Ngayon

Aicelle Santos * Track #9 On Make Me Believe

Kung Bakit Ngayon Lyrics

[Verse 1]
Sabi mo ako'y 'di na kailangan
At tuluyan na ako'y iiwan
Dahil pag-ibig natin ay walang hahantungan
Kahit kay sakit sa kalooban
Pilit ko itong tinatakasan
'Pagkat minsan ay nasabi na 'di na ako mahal

[Chorus]
Kung bakit ngayon
Ngayong wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon
Pa'no muling magbabalik
Sa atin ang kahapon

[Verse 2]
'Di sinasadyang tayo'y magkita
Ako't ikaw ay may ibang kasama
Kulay ng iyong mukha at kilos mo ay nag-iba
At hindi ko maipaliwanag
Kung ito'y isang maling pangarap
Nadaramang ikaw pa rin sa akin ang lahat, oh-ooh

[Chorus]
Kung bakit ngayon
Ngayong wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon
Pa'no muling magbabalik, oh-ooh
Sa atin ang kahapon
Ang ating kahapon, woah
Kung bakit ngayon
Ngayong wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon
Pa'no muling magbabalik

[Outro]
Magbabalik
Pa'no muling magbabalik
Sa atin ang kahapon

Kung Bakit Ngayon Q&A

Who wrote Kung Bakit Ngayon's ?

Kung Bakit Ngayon was written by Vehnee Saturno.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com