[Chorus]
Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na 'ko tao
[Verse 1]
Kailangan ko na yata magmahal
Para may sasaway na sa'kin
Para palaging may maglalambing
Kahit langit ay makulimlim
Kailangan ko na yata magmahal
Para kumpleto na ang buhay
Kahit minsa'y may pag-aaway
Ngunit mahal mo rin ng tunay
[Pre-Chorus]
Sa sobrang abala
Oh, 'di na nakita pa
At para bang nasanay na
Ngunit ang hirap hirap pala
[Chorus]
Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na 'ko tao
[Verse 2]
Kailangan ko na yata magmahal
Paramay kasabay na sa umaga
Timplang kape, upo sa mesa
Kahit usapa'y walang kwenta
Kailangan ko na yata magmahal
Baka ma-dedo na 'ko bukas
O saksakin ng adik sa labas
At 'di manlang makaranas
[Pre-Chorus]
Mahirap maghanap
Sa milyong nasa harap
Siguro nga 'pag nalasap
Ay abot langit ang sarap
[Chorus]
Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na 'ko tao
Kailangan ko na yata
[Verse 3]
Kailangan ko na yata, tingin ko lang ay tama
Tama na sumubok, umibig nang malaya
Sige, aminado na natakot
Masaktan at gumuho at lumuha't mapaikot
Pero, ngayon ay sigurado
Handa na 'kong sumubok 'di man naka-plano
Sa'n man liparin, 'wag mo na patagalin
Panahon na man na rin na ako ang mahalin
[Pre-Chorus]
Mahirap maghanap
Sa milyong nasa harap
Siguro nga 'pag nalasap
Ay abot langit ang sarap
[Chorus]
Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na'ko tao
Kailangan ko na yata magmahal
KKNY (Kailangan Ko Na Yata) was written by Geca Morales & Ramiru Mataro.
KKNY (Kailangan Ko Na Yata) was produced by Ramiru Mataro.
Geca Morales released KKNY (Kailangan Ko Na Yata) on Fri Sep 18 2020.