[Verse 1]
At mundong maraming mapagkunwari
At masama ang sa mabuti ay sukli
Pag-ibig ma'y hindi laging nagwawagi
Ito pa rin ang pipiliin ko
[Pre-Chorus]
Hindi mapapagod, nanlalaban pa
Lampas sa pasakit, mayro'ng paraiso
[Chorus]
Kung ika'y nalilito
Hanapin sa iyong puso
Sagot ay mahahanap mo
Kahit mag-iba man ang anyo
O magbago man itong mundo
Kilala ng puso
Ang totoo na pagmamahal
[Verse 2]
Gaano ba kalalim ang ilulumbay?
Makakaahon ba sa hirap ng buhay?
Mayro'n ka bang pag-ibig na naghihintay
Sa kabila ng kapalaran ko?
[Chorus]
Kung ika'y nalilito
Hanapin sa iyong puso
Ako'y makikilala mo
Kahit mag-iba man ang anyo
O magbago man itong mundo
Kilala ng puso
Ang totoo
Kung ika'y nalilito
Hanapin sa iyong puso
Sagot ay mahahanap mo
Kahit mag-iba man ang anyo
O magbago man itong mundo
Kilala ng puso
Ang totoo na pagmamahal
Kilala Ng Puso was written by Ann Figueroa.
Kilala Ng Puso was produced by Rocky Gacho.
Mariane-osabel released Kilala Ng Puso on Fri Nov 17 2023.