Tama na ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Makinig ka, para malaman mo ang aking mga nararamdam
Masakit na lahat ng pinakita mo sakin at mga pinaparamdam
Ako'y nag tiis ng matagal sa mga ginawa mo na pananakal
Hindi umalis kahit masakit kasi ganun nga kita kamahal
Pero ngayon natutunan ko na ayoko na din na magpakatanga
Ayokong isipin ulit na kung totoo ba na sayo ako'y mahalaga
Sobra na to ayoko ng mag kunware at mag panggap na masaya pa
Tama na to ayokong isipin na kung minahal mo ba ko talaga
Oo tama na to eh kasi madalas naman tayong hindi na nag kakasundo
Tama na to eh kasi gusto ng mabuo ng puso kong pira-piraso
Oo tama na ayoko ng masaktan pa at ayoko na ding umiyak
Kahit suriin ang pag mamahal mo sa akin ay di ko pa rin matiyak
Oo tama na to at malaya ka na at pwede mo na ko na mapalitan
Sana hindi mag balik sayo ang sakit na sakin mo pinaramdam
Sana hindi mo na din to gawin lalo sa bago mong mamahalin
Baka hindi ikaw ang para sakin kaya wag na natin tong patagalin
Tama na ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Sa wakas ito na natapos na din mawawalan na tayo ng koneksyon
Pangako sayo na di ako magsisisi sa aking naging desisyon
Alam kong hindi rin ako kawalan pero ikaw naman tong nawalan
Wala na yung taong palaging mong tatakbuhan at palagi mong sasandalan
Wala na yung taong dadamay sayo kapag may problema kang dinadala
Wala na yung taong sasama sayo sa lungkot at sa hirap man o sa saya
Wala na yung taong yayakap sayo sa pag tulog, sanayin mo ng mag isa
Wala na yung taong gustong makinig sa iyo kapag gusto mong magdrama
Wala na yung tao na nag paramdam sayo ng tunay na pagmamahal
Wala na yung tao na nagtiis sa lahat ng sakit kahit pa na matagal
Wala na yung tao mo na sinaktan at madalas mo pa na paglaruan
Wala ka na ding pwede pang balikan kase nagising na ko sa kahibangan
Tama sila sa sinabe nila na kung kanino ka daw masaya
Siya din daw ang dahilan ng matinding pag tulo ng luha sa mga mata
Salamat na lang nakilala kita at dahil sayo ay natuto ako
Gusto ko lang na sabihin sayo PAG NAGMAHAL KA IPARAMDAM MO
Tama na ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Ayoko na di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Kaya tama na was written by .
Kaya tama na was produced by LC Beatz.
Dems released Kaya tama na on Thu May 20 2021.