Kapit Lyrics

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Pagkadilim-dilim, 'di ko napapansin
Ang ikot ng mundo'y lalong bumibilis
Naiwanan

Ako'y nababagabag, sobrang pag-iisip
Paulit-ulit lang 'tong masamang panaginip
Ano at sino pa ang ipaglalaban ko
Ako'y pakinggan mo

'Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa
Daang kung nasa’n ang liwanag
Naghihintay, nananalig
Na sana ay bumalik na ang liwanag

Ang mga pangyayaring lumitaw at naganap
Hindi ko hawak ang aking hinaharap
Kaya ko lang gawin ay kumapit pa
Hangga't kaya pa

Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa
Daang kung nasa’n ang liwanag
Naghihintay, nananalig
Na sana ay bumalik na ang liwanag

Na sana ay bumalik na ang liwanag

Kapit Q&A

Who wrote Kapit's ?

Kapit was written by Roll Martinez.

Who produced Kapit's ?

Kapit was produced by Roll Martinez.

When did Sarah Geronimo release Kapit?

Sarah Geronimo released Kapit on Fri Dec 04 2015.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com