[Verse 1]
Para bang lumiliko na tayo
Sa mga sinumpaang pangako
Sino ba naman ang 'di susuko?
Kung malabo na ang pag-ibig mo
[Verse 2]
Nakailang bagsak na ba'ng pinto?
Nakailang muntikan na sa dulo
'Di naman sa nais kong huminto
'Di mapigilan ang luhang tumulo
[Chorus]
Kapalaran ba natin magkahiwalay?
Kahit ang puso natin ay magkaugnay
Kapalaran ba natin magkahiwalay?
Kahit ang tanging hiling kasama ka habang buhay
[Verse 3]
Kung ito na ang huling hantungan
Ng pinagpaguran na tahanan
'Di naman sa nais kang pigilan
'Di madali ang ika'y kalimutan
[Chorus]
Kapalaran ba natin magkahiwalay?
Kahit ang puso natin ay magkaugnay
Kapalaran ba natin magkahiwalay?
Kahit ang tanging hiling kasama ka habang buhay
[Bridge]
Ohh (Hanggang sa huli)
Ohh (Hanggang sa huli)
Hanggang sa huli (Hanggang sa huli)
Paalam (Paalam)
[Chorus 2]
Kapalaran ba natin magkahiwalay?
Kahit ang puso natin ay magkaugnay
Bibitawan ang higpit ng iyong kamay
Kahit ang tanging hiling kasama ka habang buhay
Kapalaran was written by Bea Lorenzo & Paolo Benjamin.
Kapalaran was produced by Bea Lorenzo & Tim Recla & Nick Azurin.
Bea Lorenzo released Kapalaran on Fri Oct 09 2020.