For the first-time ever, Shanti Dope and Flow G are delighted to unveil their collaboration this 2022 and it’s a very eye-opening song “Kamusta.”
Written in collaboration with Flow G, Shanti Dope’s latest release with the title “Kamusta” touches on a very delicate topic — depression.
Depression is...
[Intro: Producer's Tag]
Y-y-y-y-young God
(Hello?)
[Verse 1: Flow G, Flow G & Klumcee]
Kamusta ka sana ayos lang
Lagi lang akong nand'yan kaso lang ang damot ng bibig
Para sa'n pa kung handa 'kong makinig
'Pag gipit kung sa sarili mo masyado kang bilib
Mahihirapan ka lang nang mahihirapan
Kung ipipilit mong wala kang kahinaan
Kadalasan alak pa ang mas pinipili mong sandalan
'Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang
Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo rin panisin
Hindi ka takot matulungan kung tutuusin, takot ka lang na tuksuhin
Kaya 'di masagot kada tatanungin kung meron bang nakakubli?
[Chorus: Klumcee]
Sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
[Verse 2: Shanti Dope]
Pero para makuha 'yong sa'kin mabuhay
Ang dami ng kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili, pa'nong ikaw pa kaya?
Hindi madama 'yong lungkot o saya
Nagtataka lang bakit may hininga pa 'ko
Baka gumaan pabigat ng dala 'pag wala
Tulad ng kung anong bago
Habang 'yong katinuan nakakadena sa alak, usok, at tableta
Sa napalang mapait tatakasan saglit
Pagbalik gano'n pa din eksena (Huh)
Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda
Kulang na nga lang ipako sa krus
Ang dami nanghudas para sa pera
Katulad nilang gusto pa 'ko masira, kahinaan 'di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din 'pag walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin, lason sa hangin sarap damahin
May lubid sa puno sinabit daliri ko sa'king baril bago kalabitin
[Chorus: Klumcee]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
[Verse 3: Shanti Dope & Flow G]
Buhay niya na hiniram ay kinuha pa niya nang hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng 'di niya gustong naranasan
Sa mga huling hininga nya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo 'pag nasa loob ng isipan ang pinaka naging kalaban (Uh)
Meron bang dapat sisihin, paligid, sarili, mundong magulo
Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro 'yong dulo ng hintuturo
Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap nagawang talikuran
Kinakausap ka habang nasa likod ng salamin may saradong pintuan
Malapit ka nang bumigay dama ko, 'wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong-ganito 'yong wala ka, abot na abot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino
Buhay parang biyahe maraming hadlang
Ikaw na bahala kung pa'no mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan, kaya hanapin ang pampagaan
'Yan ang paraan, kasama 'yan, 'wag mag-alala kung meron bang nakakubli
[Chorus: Klumcee & Flow G]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
[Outro: Klumcee]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Kamusta was written by Flow G & Shanti Dope & Klumcee.
Kamusta was produced by Klumcee.
Shanti Dope released Kamusta on Fri May 27 2022.