[Verse 1]
Oras nang sambahin ang ngalan mo
Para mabuhay habambuhay sa puso't isipan mo
Sino ba ako para mapansin mo
Mga dalangin ko sa'yo sana'y pakinggan mo
[Verse 2]
Pa'no ba ako magiging 'sang santo?
Para makasama kita diyan sa tabi ng trono mo
Ilan pa'ng pagsubok ang daraanan ko?
Bago ako makaranas ng mga milagro mo
[Bridge]
O ang langit ay nandito lamang pala sa lupa
At ang impyerno ay nasa isipan ko at pinalimot ng iyong ganda
Umaawit ang mga anghel
Umaawit ang mga anghel
Nagdiriwang sila nang makasama kita
Huwag ka sanang mawawala
[Verse 3]
Mamamatay akong nakangiti
Kapag ikaw ang nasa aking tabi
Mabubuhay akong nagsisisi
Kapag isang araw hindi kita mapapangiti
Kalapastangan ang 'di ka ibigin
Kalokohan ang 'di ka isipin
Kung ang mundo ay biglang gugunawin
Ikaw ang una kong hahanapin
[Instrumental Outro]
Kalapastangan was produced by Joao De Leon.
Fitterkarma released Kalapastangan on Fri Nov 24 2023.