Kailan Lyrics

[Verse 1]
Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa 'king pisngi

[Verse 2]
Kailan ako tatahan (Ooh)
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib (Ooh)
Nakatingin ako sa salamin (Ooh)
May guhit ang noo't, mapait ang ngiti (Ooh)

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa 'king pisngi

[Bridge]
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw, aking mahal
Mula paggising hanggang sa pag-idlip
Kagandahan mong walang patid

[Verse 3]
Kailan mo ako hahagkan (Ooh)
Matagal na akong naghihintay (Ooh)
Nakadungaw sa bintana (Ooh)
Mga dahon lang ang kumakaway (Ooh)

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa 'king pisngi

[Outro]
Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw
Woho

Kailan Q&A

Who wrote Kailan's ?

Kailan was written by Ely Buendia.

When did Space-Ta release Kailan?

Space-Ta released Kailan on Fri Feb 28 2020.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com