[Verse 1]
Bakit lagi akong ganito?
Minsan, 'di maiwasang
Pighati at sakit ang laman
Ng aking pusong munti
Oh, ano bang nasa isip ko?
Bakit hinahayaang
Ika'y papasukin sa aking mundo?
Pagod na pagod na ako
[Chorus]
'Di naman ako ganito dati
Ano ba ang nangyari sa'kin?
Tuloy-tuloy na lang akong nalalanta
Palagay ko naman dumating na
Oras ko na para maging masaya
Kailan ba?
Kailan ba ako magiging masaya?
[Verse 2]
Araw-araw akong ganito
Kahit anong hirap, gagawin
Kakalimutan ang nakaraan
Dating damdamin, 'di na babalikan
[Chorus]
Sana sa pagpikit ng langit
Akin lang ang para sa'kin
'Di ko na ibibigay pa sa iba
Palagay ko naman dumating na
Oras ko na para maging masaya
Kailan ba?
Kailan ba ako magiging masaya?
Kailan ba ako magiging masaya? was written by Shanne Dandan.
Kailan ba ako magiging masaya? was produced by Shanne Dandan & Bergan Nunez.
Shanne Dandan released Kailan ba ako magiging masaya? on Fri Apr 05 2024.