Kababata by Kritiko & Kyla
Kababata by Kritiko & Kyla

Kababata

Kritiko & Kyla * Track #3 On Himig Handog 2018

Kababata Lyrics

[Chorus: Kyla]
Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa’tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama

[Verse 1: Kritiko]
Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin
Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim
Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta
Ang sumpaang idinikta mo sa'kin ang pag-ibig na
Manggagaling sa’yo kahit mga bata pa tayo
Ay hindi na mabilang ang mga nabubuong mga plano
Kasabay ng eroplanong papel ang paglipad
Ng mga pangarap nating gusto nating marating
Tunay na pag-ibig na ang nadama sa aking edad na siyam
Ako'y palaging masaya 'yan lang ang aking alam
Sa bawat oras na kasama ka habang naglalaro sa ating baryo
Ay hindi ko mapigilang matitigan medyo pilyo na
Ang pagtingin mo sa'kin pero 'di mo
Kinakailang ako'y gusto mo rin at parang 'di ko
Na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin sa aking dalangin
Palaging nando'n ka

[Chorus: Kyla]
Napakasarap siguro kung ’di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa’tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama

[Verse 2: Kritiko]
Araw-araw ang eskena ay palaging masaya
Sa pagpasok, pag-uwi ng eskwela kasama ka
Hanggang sa paglalaro ikaw pa rin ang kapareha
Sa aking kaharian ikaw ang natatanging reyna
Lahat ay itchapwera kahit na ano mang bagay
Katunayan boto sa’kin ang iyong mahal sa buhay
Kumpleto na't matibay at lahat ay okay na
Hanggang sa dumating ang biglaan na problema
Nagulat ako isang araw nakita ko ang aking ama at aking ina
Nakita ko na sila'y merong bisita ang mga kulay ng mata ay iba
Tinawag nila ko't lumapit sa aming bisita halika anak, halika
Nung narating ko, bakit ano po? Anak ganito maupo ka
Matutupad na ang parangarap ko para sa’yo ito na 'to
'Wag mo sana kaming bibiguin, umaasa ako at ang ama mo
Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit kakayanin ko 'to
Lilisan ako pero tandaan mo na ako
Ay magbabalik para sa'yo

[Bridge: Kyla]
Nagbilang ng mga araw at buwan
Ngunit panaginip nang muli kang madatnan
Kung sana'y 'di nawalay kahit na isang saglit
Pag-ibig ay buhay pa rin kahit 'di na pumikit
Sa'king pag-uwi baon ko'y walang hanggang ngiti
Lundag ng puso sabay sa bawat paghakbang patungo sa'yo
Ngunit parang may nagbago

[Verse 3: Kritiko]
Lumipas ang napakaraming taon
Sa wakas ako'y nakabalik ng muli
'Di masukat sa labi ang mga ngiti
Napawi ko na lahat ng pighati
Pumasok sa aking isipan na ang kasagutan ko
Sa katanungan ay narito na
'Di na maghihiwalay, humawak ka sa'kin ibabalik ka
Sa dating napakasaya nung tayo'y mga bata pa
Sa lugar kung saan na ikaw at ako
Ay nangako na tayo na ngang dalawa
Nagtungo ako baka naroon ka
Kasi nga gusto na kitang makita
Nung narating ko, niyakap mo ako
Salamat sa iyo dumating ka
'Yan ang salita na nanggaling sa'yo
Napaluha ako ngayong katabi ko
Na ang babaeng nag-iisa lamang
Na pinakamamahal ko sa mundo
Humawak ka sa'king kamay
Kasabay ng mga luhang taglay
Ng emosyon at pananabik
Napakasarap ng mga bawat halik
Tumangan ka sa'kin at ibinulong mo
Ang iyong mga pangungulila
Nagpasalamat ka sa'kin pero patawad mahal ng mahina
Tinitigan kita sa mata, bakit meron ka bang kasalanan?
Laking gulat ko na lamang nawala ka nang biglaan

[Verse 4: Kritiko]
Pero bakit gan'to? Ano ba ang nangyari?
Bakit wala man lang sa'kin nagsabi?
Ano bang klaseng biro ito?
Ikaw daw ay naaksidente
Ayokong maniwala sa kanila
Mahal ko ako ay nakabalik na
Mahal ko ngayon ako'y narito na
Ibabalik natin ang dating saya
Sumama ka sa'kin sabay tatahakin
Ang mga hangarin na para sa atin
Salamat sapagkat ako'y inantay
'Di na muli pang maghihiwalay
Kahit na masakit kakayanin ko 'to
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kahit na masakit kakayanin ko 'to
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kung nalaman ko lamang ay 'di mo dinanas
Ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan gusto kong gantihan
Kung nalaman ko lamang ay 'di mo dinanas
At pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan gusto kong gantihan

[Outro: Kritiko]
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
'Di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa'yo 'to nagawa?
'Di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala

Kababata Q&A

Who wrote Kababata's ?

Kababata was written by Kritiko.

When did Kritiko & Kyla release Kababata?

Kritiko & Kyla released Kababata on Sun Oct 07 2018.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com