[Verse 1]
Pagsapit ng dilim, kinukubli, nilalaman ng damdamin
'Di makikiling
Kalungkutan lang tanging kapiling sa magdamag
At sa panaginip ko
Yumayakap sa tuwing maghahatinggabi
Umaapaw ang damdamin
Humihigpit, 'di mapakali
Nauutal mga labi
Walang masabi
[Pre-Chorus]
Gagamitin ang luha sa pagguhit ng paraiso
Kahit 'di ko maipinta inaasam ko na ligaya
[Chorus]
Mananatiling masaya kahit hindi ko ramdam
Mabura man ang kulay ng mundo
Mananatiling malakas, pag-asa ba'y wala na?
Sumama ba ito sa pagbuhos ng luha ko?
[Verse 2]
Maging matulin, aking sagipin
Ang bawat sandaling may dalang kapayapaan
Walang pamunas ng luha kundi sariling kamay
Sa sulok nakatulala, nakatulala, nakatulala
[Pre-Chorus]
Gagamitin ang luha sa pagguhit ng paraiso
Kahit 'di ko maipinta inaasam ko na ligaya
[Chorus]
Mananatiling masaya kahit hindi ko ramdam
Mabura man ang kulay ng mundo
Mananatiling malakas, liwanag man ay tumakas
Sumama ba ito
[Bridge]
Hoo, hoo, hoo, hoo, hoo, hoo, ha-ah
Hah, hah, hah, hah, hah, hah, ha-ah
Hoo, hoo, hoo, hoo, hoo, hoo, ha-ah
[Chorus]
Mananatiling masaya kahit hindi ko ramdam
Mabura man ang kulay ng mundo
Mananatiling malakas, liwanag man ay tumakas
Sumama ba ito sa pagbuhos ng luha ko?
Oh, oh-woah, oh, oh, oh
Oh-woah-oh, oh-woah-oh, oh-woah-oh-oh
Oh-woah, oh, oh
[Outro]
Sa 'kin ang gabi kahit 'la ka na sa 'king tabi
Sa 'kin ang gabi (Sa 'yo ang gabi)
Sa 'kin ang gabi
Sa 'kin ang gabi kahit 'la ka na sa 'king tabi
Sa 'kin ang gabi (Sa 'yo ang gabi)
Sa 'kin ang gabi
Iyakin was written by Shanne Dandan & Bergan Nunez.
Iyakin was produced by Bergan Nunez.
Shanne Dandan released Iyakin on Fri Jun 14 2024.