[Intro]
Gawa na 'ko ng new song, 'wag ka maingay, shh
Good boy, eh, ingay mo
[Verse 1]
Bigla-bigla kang nanghahalik
Kung nasaan ako, nando'n ka rin
Hinding-hindi ako nagkamaling piliin ka
Buti na lang, pinili mo rin ako
[Pre-Chorus]
At kahit ano pa ang madarama
Hindi ka nagsasawa
At kahit na gabing-gabi na ako umuuwi sa bahay
Ikaw ang naghihintay
[Chorus]
Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan sa aking mga mata
Oh, sana kasama pa rin kita
Kahit maputi na ang buhok ko
[Verse 2]
Kahit bigla kang nagsusungit
Wala akong ipagpapalit na saglit
At kung siyam na buhay man ang ibigay sa'kin ng kalawakan
Alam mo bang ikaw pa rin ang pipillin ko?
[Pre-Chorus]
Kahit ano pang madarama
Hindi ka pagsasawaan
At kahit sandali ka lang nakilala
Habang-buhay na kitang maalala
[Chorus]
Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan sa aking mga mata
Oh, sana kasama pa rin kita
Kahit maputi na ang buhok ko
[Instrumental Break]
[Outro]
Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan sa aking mga mata
Sana, oh, sana 'di na lang pumuti ang buhok ko
Kung mawawala naman itim na ulap ko
itim na ulap was written by Maki (PHL).
itim na ulap was produced by Shadiel Chan.
Maki (PHL) released itim na ulap on Fri Sep 19 2025.