Ikaw ba'y nalulungkot?
Ikaw ba'y nag-iisa?
Walang kaibigan?
Walang kasama?
Ikaw ba'y nalilito?
Pag-iisip mo'y nagugulo?
Sa buhay ng tao?
Sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman?
O ika'y isang mahirap lang?
Sino sa inyong dalawa
Ang mas mahihirapan?
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila?
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita
Ikaw ba'y ang taong
Walang pakialam sa mundo?
Ngunit ang katotohanan
Ikaw ma'y naguguluhan?
Tayo ay naglalakbay
Habol natin ang buhay
Nguni't ang bata ba'y
Ka'y tulay tungo sa hanap
Ng ating buhay?
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?
Itanong mo sa mga bata
Utanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila?
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat natin pahalagahan
Dapat din kaya kainggitan?
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila?
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay iyong makikita
Itanong Mo Sa Mga Bata was written by Cesar Banares Jr..
Glaiza de Castro released Itanong Mo Sa Mga Bata on Wed May 31 2017.