Verse 1:
Kapag ba tayo'y nag-away malaki ang inaalay
O sumisira ng pundasyon nagmimistulang anay
Para ba sa industriya kinakailangan na mag-hatakan
Imbes na tayo'y mag-tulungan sa pag-akyat ng hagdan
Bakit nga ba ganto ang dami nang naloloko
Nagdedepensa ng puwesto kahit wala namang trono
Na dapat agawin ultimo lahat tatahakin
Siya na ang malupet siya nang hindi kayang wasakin
Antutulis ng dila sa lalim hindi mo mahila
Handang maghintay sa pila basta lang makatira
Ikinatutuwa mo pang makasakit sa'yong pang aasar
Mga ganyang ugali wala na yang pag-asa par
Paanghangan ng bibig daig pa kumain ng sili
Pag ginantihan ng tadhana sa sarili rin ang sisi
Ano ba ang aking punto hindi ka pa rin natuto
Pumanig sa pakikipag-ayos nang umabot ka pa sa dulo
Verse 2:
Umibig ako sa larangang 'to kaya ito'y naisulat
Huwag puro bibig buksan ang tainga matay imulat
Asar dito asar 'don away dito away 'don
Huwag kang magtataka tingin ng iba sa hip-hop ay patapon
Ngayon ang dami kong kagaya na nagsasagip sa eksena
Rumerespeto sa mga bago pati sa mga una
Sa industriyang 'to alam nating walang malabo
Basta tayo'y nagkakaisa at walang panggagago
Linya ko para sa mga nagbabalak na gumasgas
Sasakyan ng pag-unlad ang aking dala huwag kang umangkas
Saludo ako sa mga gumagawa ng obra na paspas
Kahit pagod sinisingit sa trabaho walang pass
Sa makabagong panahon na to ang dami nang nagbago
Pagkakaiba ng kategorya wala na ring dehado
Kaya sa daan na tatahakin palaging tuloy lang tayo
Para sa industriya dapat lang magkakasundo tayo
Industriya was written by J. Cipher.
J. Cipher released Industriya on Tue Apr 30 2019.