[Verse 1]
Ang munting hiling ng puso ko'y ikaw
Ngayon maging no'ng dati
Bawat bigkas man ng damdamin ko'y ikaw
Sadyang 'di maaari
[Pre-Chorus 1]
Sabihin mang iniibig kita
Hayaang sa tanaw na muna
[Chorus 1]
Kahit ano man ang mangyari
Ay ikaw at ikaw ang uunahin
At kahit dilim ay 'di mapawi
Kung ikaw at ikaw ay kakayanin
Ikaw ngayon hanggang wakas
[Verse 2]
Ang tibok ng puso ay nag-iiba
Sumasaya tuwing naririnig na
Ngunit ang isip ko ang siyang nagugunaw
Huwag pagbigyan pag-ibig na dama
[Pre-Chorus 2]
Pangakong kahit na nasasaktan
Nandito lang sa tuwing kailangan
[Chorus 1]
Kahit ano man ang mangyari
Ay ikaw at ikaw ang uunahin
At kahit dilim ay 'di mapawi
Kung ikaw at ikaw ay kakayanin
Ikaw ngayon hanggang wakas
[Chorus 2]
Ikaw at ikaw ang uunahin
At kahit dilim ay 'di mapawi
Kung ikaw at ikaw ay kakayanin
Mula noon...
Ikaw ngayon hanggang wakas
Ikaw at Ikaw (Theme from ”Start Up PH”) was written by Rina Mercado & Simon Tan.
Ikaw at Ikaw (Theme from ”Start Up PH”) was produced by Rocky Gacho.
Anthony-rosaldo released Ikaw at Ikaw (Theme from ”Start Up PH”) on Sat Oct 29 2022.