[ Kalbong Brutal-Verse 1 ]
Mga pinagsamahan natin na di ko malilimutan
Ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan
Ay ikaw bilang kuya ang tumatayong sandalan
Gabay sa bawat kilos ng ating pinaglalaban
Kung ano ang mayron ka binabahagi mo sa amin
Ni minsan di mo nakuha na magdamot ka sa akin
Lalo na nung panahong kinakailangan ko ng tulong
Di mo ako iniwanan sa halip ika'y tumulong
Mga payo at pangaral mo maging propesyonal
Pakikitungo ng maayos sa ugaling natural ang kilos
Taas noo sa bawat hamon ng kalaban
Mahal mo ang kultura at di mo tinalikuran
Baunin mo bilang alaala ang aking mga sinulat
Tanda ng pagmamahal ko sayo’t pasasalamat
Pangalan mo sa hiphop ay di na mabubura
Hanggang sa muli para sa mobstah
Ikaw ang tunay na hustla
( Chorus/Inozent One )
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Maraming salamat sa mga panahon na kasama ka
Ipinakita mo (2x)
Kung pano maging tunay na kaibigan
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Nakatattoo ka na sa isip namin at damdamin
Ipinakita mo (2x)
Kung pano ang tunay na kahulugan ng hustla
[ Kalbong Brutal-Verse 2 ]
Parang kailan lang
Kasakasama ka't nag iinuman
Habang nagkukuwentuhan
Masayang nagtatawanan
Setyembre bente nueve ng aking mabalitaan
Wala na daw si chubby ang hirap paniwalaan ( Paniwalaan )
Ako ay napasugod
Sa ospital habang nangangatog ang mga tuhod
Bitbit ko ang pag-asa na sanay buhay ka pa
Hanggang di ko maiwasan lumuha ang aking mata
Akoy nanghihinayang at di na nadugtungan
Mga pangarap mo sa amin ay biglang natuldukan
Ang imahe mo ay permanenteng nakalagay
Saking balat boss balita! anu na ang yung lagay
Kuya chubbs ingat ka kong nasaan ka man ngayon
Alam kong na masaya ka na sa piling ng panginoon
Alaala mo sa amin ay di na mabubura
Hanggang sa huling hininga ikaw ang tunay na hustla
( Chorus/Inozent One )
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Maraming salamat sa mga panahon na kasama ka
Ipinakita mo (2x)
Kung pano maging tunay na kaibigan
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Nakatattoo ka na sa isip namin at damdamin
Ipinakita mo (2x)
Kung pano ang tunay na kahulugan ng hustla
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Maraming salamat sa mga panahon na kasama ka
Ipinakita mo (2x)
Kung pano maging tunay na kaibigan
Para sayo kaibigan ko
Ang awitin ko ay inaalay ko
Nakatattoo ka na sa isip namin at damdamin
Ipinakita mo (2x)
Kung pano ang tunay na kahulugan ng hustla
Ikaw ang Tunay na Hustla was written by OG Kaybee & Inozent One.
OG Kaybee released Ikaw ang Tunay na Hustla on Fri Sep 16 2011.