Nagsimula sa mga bagay na 'di naman dapat
Pinagsasayangan ng oras
Mga salitang 'di ko inakalang masasabi mo
O, anong nangyari sa'yo?
Nagbango ang simoy ng hangin
Palayo nang palayo ka na sa akin
'Di ko lang maunawaan
Sana lang ay iyong linawin
Kung bakit
Sa isang iglap
Ika'y nagsawa
Sa noong hiniling kay bathala
Bigla bigla na lang binalewala
Mananatili ba o pipiliin ang sarili?
Sa aking bawat paglapit, ika'y lumalayo
Palayo nang palayo, palabo nang palabo
Nais ko pa sanang manatili
Ngunit parang wala nang dahilan pa
'Di na ba mababalik pa sa dati?
Hahayaan na lang bang tangayin lang ng hangin
Mga bagay na sabay natin noong pangarapin?
Sa isang iglap
Ika'y nagsawa
Sa noong hiniling kay bathala
Bigla bigla na lang binalewala
Mananatili
Naninikip ang dibdib
Nais ka lang makatabi
Sabik na sabik sa 'yong pagmamahal na 'di pilit
Ngunit kung mas pipiliin mong, umalis
Tatanggapin
'Di hihintayin
'Di na aasahan pang bumalik
iglap was written by syd hartha.
iglap was produced by syd hartha.
syd hartha released iglap on Fri Oct 26 2018.