[Intro: Flow G]
'Yung dating tayo ay wala na, pa'no ba 'to?
Bakit biglang gumulo 'yong dati natin binuo?
Wala na gumuho na
[Verse 1: Flow G]
Mahal, kamusta?
Masarap ba gising mo, buti nakatulog ka
Ako 'eto simula no'ng nangyari, lahat 'to ay binabangungot na
Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta
Halos malunod na, dahil sa pagkalugmok
Na may halong lungkot, kaya laging nagluluksa
Nabugbog pa kahit na utak ko lang ang kalaban
Ako ay nadurog, kahit na sa tinik ako'y natusok
Ay naging tahimik hindi na rin para humugot
May luhang tutulo tuwing nakamukmok
Ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog
Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot
Pero 'wag mag-alala, kahit papa'no nakakahinga
Hindi nakatulong 'yong kasabihang
"'Pag napagod kailangan lang magpahinga"
Ilang gabi na na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi pa rin nagmakaawa kahit na kawawa't aping-api na
Ikaw, kamusta ka d'yan? Sana hindi mo 'to mapakinggan
Kasi ayaw ko sabihin mo sa sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
Sumakay ako sa alon mo kasi akala ko pareho tayo na gusto magkapitan
Eh 'di sana 'di na nagkainteres
Sa interes ko, ito ang bunga ng kapital
[Chorus: Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
'Yong pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Flow G]
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
'Yun ang 'di ko kaya
[Verse 2: Flow G]
Buti ka pa, parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap na matulog at sana hindi na gumising pa
Gusto ko ng medisina
Para hindi na makadama ng sakit sa tuwina
Pampamanhid bibilhin ko agad kung meron man nagtitinda
'Di ko na pinilit alamin ang totoo
Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo
'Yung sabay natin na binuo
Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala madugo
Pagka mag-isa nakaupo, madalas nakayuko
Kasabay ng luha ayaw matuyo, 'pag may kaharap na ibang tao
Naku po magpapanggap na buo
Kailangan masaya ako palagi kahit na hindi na katulad ng dati
Para 'di nila isipin na nahihirapan ako sa lahat ng nangyayari
Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod
Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga imbis na hinog
Mahirap magpanggap na ayos lang
Kaso kailangan sa ganitong kaganapan
Ay dapat agapang makita ang iyong kahinaan
Para hindi kaawaan o pagtawanan
Mahirap palang maranasang masaktan
Sa kamay ng napiling pakisamahan
[Chorus: Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
'Yong pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Flow G]
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
'Yun ang 'di ko kaya
[Verse 3: Gloc-9]
Sana ako'y tulad ng iba
Kaya kang iwanan d'yan nang mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n
Tinulungan kang makalipad
Para sa'yo ay nakahanda 'kong gawin ang lahat
Wala na sa'kin natira, balewala pa
Pakinggan niyo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna
[Verse 4: Gloc-9]
Bakit gano'n ang panahon? Ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo pero sabi mo ay kinahon
Ang dating tayo na palaging masaya
At nagsasama ng matiwasay, init ng apoy na namamatay
Panggatong ako na lamang ang naglalagay
Ano ba sa iyong palagay? Inakay na kita
Makadaan sa landas na madilim
'Di naman ako 'yung tipong na lalaki
Iiwanan ka na lamang kasi natapos na kitang pitasin
Napakahirap abutin, 'di mo ba napansin?
Dinidiligan ko ang 'yong hardin, inaabangan na dumating
Bakit madalas ka na yatang inaabutan ng dilim?
[Bridge: Gloc-9]
Oh, bakit parang lumalalim ang sugat?
Ayaw kong tingnan kahit lagi nakamulat
Alam ko na ang siyang nilalaman ng sulat
Mabigat pero 'di na magugulat
Hinihintay kita makauwi, lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat
Hindi ko masukat, pilitin ko mang ikubli
Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale
'Di ko inakala 'to, grabe, sa ulo ko ay may tae
[Chorus: Gloc-9, Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat ('Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat)
'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak (Oh-oh-oh-oh)
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat (Kaya maging ako'y gulat na gulat)
[Post-Chorus: Gloc-9, Flow G]
Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na (Oh-oh)
Napalitan na ng lungkot ang ligaya (Napalitan na ng lungkot ang ligaya)
'Yon ang 'di ko kaya
[Chorus: Gloc-9, Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat (Ohh-oh)
'Yong pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap (Ang bilis ng pangyayari't naganap)
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Gloc-9, Flow G]
Mga alaala na nakakatakot maalala (Ohh-oh)
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya (Napalitan na ng lungkot ang ligaya)
'Yun ang 'di ko kaya ('Yun ang 'di ko kaya)
Ibong Adarna was produced by Thyro Alfaro.
Flow G released Ibong Adarna on Mon Apr 26 2021.