This song delves into those random thoughts of about exes and what-ifs. Not necessarily the desire to get back together, but being melancholic and realistic about what one has felt in the past, and how couples were once genuinely happy before drifting apart.
Ilang taon at tao na nga ba ang dumaan?
Di maiwasan na balikan ang nakaraan
Ngiti mo ay nakatatak na sa'king isipan
Ang iyong mukha hanggang ngayo'y napapanaginipan
Kahit san man lumingon ikaw ang nasisilayan
Bakit ba ganito?
San ba tayo nagkamali?
Kung pwede lang magsimulang muli
CHORUS:
Dati tayo'y masaya
Pero bigla nang nag-iba
Ang dating init ng 'yong yakap at halik
Nagbago na at tila yelo na sa taglamig
Ang sabi nati'y walang iwanan
Bigla-bigla na lamang lumisan
Ang ala-ala mo ay baun-baon ko
Ang puso kong sanay sayo ay bigla na lang
Napapahugot
Hugot, hugot
Hugot, hugot
Hugot, hugot
Hugot
Kahit anong pili na sayo ay may hihigit
Lugar mo sa puso ko ay wala nang papalit
Di sadyang sila sayo ay maikumpara
Ang isip ko ang hanap ay laging ikaw sinta
Kahit pa nakapikit ikaw ang siyang nakikita
Ba't ba ganito?
San ba tayo nagkamali?
Kung pwede lang magsimulang muli
(CHORUS)
Hugot was written by Bojam & Paolo Emmanuel Madrid.
Hugot was produced by Bojam.
Pao-madrid released Hugot on Fri Sep 06 2019.