Perhaps one of Syd’s most personal songs, “hiwaga” was written as a message of hope to herself. The song sings of self-love and getting past dark situations.
[Intro]
Darat darara
Darat darara
[Verse 1]
Ang mundo natin ay bilog
Ang ginawa mo babalik sa'yo
Habang-buhay 'tong nakadikit sa pangalan mo
Minsan mo bang naisip kung sa'n ka tinadhana?
At parang wala namang magbabago 'pag nawala ka
Naku, sana makawala ka sa kahon kung nasa'n ka ngayon
Panibagong pagkakataon ang 'yong
Pagmulat sa bawat umaga
Mali ay matatama pa
Dating tamis na tila pumait ay mababawi pa
Balang araw, matutuklasan kinalabasan ng
Tiis at sakripisyong akala mo'y 'onti lang
Ngunit nadulot nito'y inakalang imposible
Hiwaga ng pag-ibig sa iba at sa sarili
[Chorus]
Ooh, 'di mo ba namamalayan?
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbigyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin lang
[Verse 2]
Alam mo, 'di natin hawak ang oras
Hindi rin natin alam ang dala ng bukas
Ano pa'ng 'yong hinihintay?
Kailangan bang may mamatay pa
Bago ka magising nang matagal nang may umaaray?
Tumatakbo ang oras, kapit ng iba'y pumipigtas, humihina, kumakalas, pero ito'y maliligtas
'Di ka nabubuhay para lamang sa wala
Gawin ang dapat mong gawin habang humihinga ka pa
[Chorus]
Ooh, 'di mo ba namamalayan?
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbiyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Ooh, 'di mo ba namamalayan?
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbiyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin lang
[Outro]
Ramdam mo ba ang hiwaga?
Hiwaga ng pag-ibig
Pag-ibig sa iba
Sa iba at sa sarili
Ramdam mo ba ang hiwaga?
Hiwaga ng pag-ibig
Pag-ibig sa iba
Sa iba at sa sarili
hiwaga was written by syd hartha.
hiwaga was produced by Jean-Paul Verona & Johnoy Danao.
syd hartha released hiwaga on Wed Sep 30 2020.