[Verse 1]
Mahirap kong aminin
Na wala ka na sa akin
Bulong ng damdamin
Ikaw pa rin ang siyang kapiling
[Verse 2]
Heto ako, nag-iisa
Kahapon ang naaalala
Walang hanggang umaasa
Sana ako'y ibigin pa
[Pre-Chorus]
Ano itong sigaw ng puso ko?
Pa'no na ngayong wala ka na sa buhay ko?
[Chorus]
Hindi na muling maaari pang ibigin
Hindi na maibabalik ang dating pagtingin
Hanggang kailan ito? Dapat bang pigilin?
Hanggang pangarap na lang ba
Na ikaw ay makakapiling?
[Verse 3]
Heto ako, nananabik
Minsan mo nang pinaibig
Sana'y mahangkan kang muli
Kahit na sa huling sandali
[Pre-Chorus]
Ano itong sigaw ng puso ko?
Pa'no na ngayong wala ka na sa buhay ko?
[Chorus]
Hindi na muling maaari pang ibigin
Hindi na maibabalik ang dating pagtingin
Hanggang kailan ito? Dapat bang pigilin?
Hanggang pangarap na lang ba
Na ikaw ay makakapiling?
Hindi na muling maaari pang ibigin
Hindi na maibabalik ang dating pagtingin
Hanggang kailan ito? Dapat bang pigilin?
Hanggang pangarap na lang ba
Na ikaw ay makakapiling?
[Outro]
Hindi na muli
Hindi Na Muli was written by Gary Valenciano.
Hindi Na Muli was produced by Snaffu Rigor.