Verse:
'Di na kailangan sabihin
'Ramdam ko naman
Mabuting unahan kesa masaktan
Sa'kin ay ayos lang mas maigi na kesa naman nasa akin ka nga
Ngunit guhit ng labi mo'y salimoot at
Hindi ko mawari
Ano bang nangyare
Pano humantong sa gantong pangyayare pag asa na maibalik pa sa dati ay tila malabo na
Lahat ay nagbago na
(Lahat ay nagbago na)
Chorus:
Sobrang lamig na ng pakikitungo mo sa'kin
Di bale at aking iintindihin to subalit Hanggang kelan titiisin ang damdamin
Kung turing mo sakin ay hangin lang
Kailangan sanayin, ano mang ipilit gawin ay wala rin
Kailangan sanayin, ano mang ipilit gawin ay wala rin
Oh, kase hindi na
Di na kailangan pa
Kase hindi na
Di na kailangan pa
Hindi ko na kailangan ang mga halik mo
Kahit namimiss ko
Kahit na ano pa ang gawin mo
Tapos na rin akong magmakaawa sayo
Saka pagod na rin ako sa kakasuyo sayo
Ginawa ko na lahat subalit kulang pa rin at Hindi sapat simot sagad at binigay ko na lahat sa kabila ng pagkukulang mo ako'y naging tapat
Kaso humantong sa gan'to nakakagago ang lahat
Kase sa totoo lang ay hindi ko alam anong dapat gawin nararapat
Talaga bang maayos pa 'tong sitwasyon kung sakali man meron ng lamat
Kaya salamat sa magagandang ala-ala't sa
Lahat ng saya at lungkot sa tawanan kulitan di malilimutan tuwing maalala ka
Mabuting maigi nalang bumitaw
Ako laging mali tas ang tama ikaw
Ibulong mo man kilos mo ay pasigaw
Alam kong hinintay mong ako'y umayaw
Hindi mo pansin at oo noon ko pa man to nahahalata
Ngayon ay sawa na sana ika'y masiyahang sa buhay mong ako'y wala na
(Lahat ay nagbago na)
Chorus:
Sobrang lamig na ng pakikitungo mo sa'kin
Di bale at aking iintindihin to subalit Hanggang kelan titiisin ang damdamin
Kung turing mo sakin ay hangin lang
Kailangan sanayin, ano mang ipilit gawin ay wala rin
Kailangan sanayin, ano mang ipilit gawin ay wala rin
Oh, kase hindi na
Di na kailangan pa
Kase hindi na
Di na kailangan pa
Hindi Na was written by Vijay Kurt Mamaed.
Hindi Na was produced by KRT.