[Verse 1]
Lumipas na ang kislap
Mula nang ika'y makilala
Ngunit nandito't nagliliyab
Ang apoy na hindi na maapula
[Pre-Chorus 1]
Ngayon na ikay aking kapiling
Hindi na muling hahanapin
[Chorus]
Amoy ang mabulaklak mong titig
Habang karinyo aking bisig
Wala mang tamis na lumabas sa'king bibig
Sa daigdig iparirinig
Na Mahal kita higit sa pag-ibig
[Verse 2]
Sa'yo ipaparanas ang aking bawat una
At pag bukas ito'y ubos na
Tatakas at gagawin ang ating bawat sana
Hanggang ang bukas ay ubos na
[Pre-Chorus 2]
Ang bawat umaga at pagising
Ay kailanman di na kukulangin
[Chorus]
Amoy ang mabulaklak mong titig
Habang karinyo aking bisig
Wala mang tamis na lumabas sa'king bibig
Sa daigdig iparirinig
Na Mahal kita higit sa pag-ibig
[Verse 3]
Bumalik man sa nakaraan
At ilang beses mang ulit ulitin
Hinding hindi ko pagiisipan
Ikaw at ikaw parin
[Pre-Chorus 3]
Sa pag-ibig mo ako'y alipin
Magmula nang ika'y mapasakin
[Chorus]
Amoy ang mabulaklak mong titig
Habang karinyo aking bisig
Wala mang tamis na lumabas sa'king bibig
Sa daigdig iparirinig
Na Mahal kita higit sa pag-ibig
Kulang pa ang salitang pag-ibig
Higit sa Pag-ibig was written by Joseph Andrew Ortiz & ERAR (Erwin Arellano).
Higit sa Pag-ibig was produced by Joseph Andrew Ortiz & ERAR (Erwin Arellano).
ERAR (Erwin Arellano) released Higit sa Pag-ibig on Sat May 11 2024.