Hebishram is a pay it forward song. A chance to make a difference. A song where Gloc-9 sets himself aside and pushes front and center the next generation of Pinoy rap talents: Hero, Bishnu Paneru, and Ramdiss – all products of Gloc-9’s 44-bars rap challenge.
[Intro: Gloc-9 (spoken)]
Magandang sukatan ng success ng isang kanta
Yung isang kanta mo ay nakapagbago ng buhay ng kapwa
O nakaka-inspire, sa ibang tao
Lalo na sa mga kabataan
[Chorus: Gloc-9]
Ako’y nalilito
Naririnig mo ba
Ang sarili kong
Nagsasalita
Wala namang nag-uusap
Pero bakit may bumubulong
Wala namang nagtutulak
Bakit umiikot ang gulong
[Verse: Hero]
Sa’n ba to papunta
Sigurado ba ang ruta
Gusto ko na kasing makalayo
At makalabas sa kuta
Ayoko nang mapako sa tapos na
Hindi ko hinayaan na malampa
Lalo nung panahon na ako ay nabaon
At wala rin nagtanong sa 'kin ng, "Kamusta?"
Alam ko sa sarili kong mahirap
Hirangin na ginto ang isang pilak
Marami ang pintong 'di mahagilap
Dahil ang susi ay pagsusumikap
Kinalagan ko ang sarili sa kadena
Kinalimutan ko na muna mga nega
Di na pwede tatamad-tamad at satsat lamang ng satsat
Walang mangyayari kung puro dakdak
Di ko ‘to ginagawa para sa pera
Sapat na sa 'kin na may makinig
At maka-inspira sa pamamagitan ng aral
Mula sa alalay ng hari
[Verse: Bishnu]
Ginawa ko lahat hanggang sa napakita
Ko sa mga tao na hindi to madali
Baka lang manalo ko sa mga talo
Na pinagdaanan para lang kumita
Basta ginawa ko lang ang gusto
Tignan mo naman kung sa'n ako nakarating
Dami kong sakit na mga nilampasan
Bakit kamo? Para gumaling
Kahit pa na malaliman nagawa kong huminga
Para lang kumita nawalan ng pahinga
Baka marating rin ang gustong marating
Dumating ang mga pinadalang
Panalangin ko sa langit uh
Kung di pa dumating baka na-traffic pa
Madadapa ka talaga sa mga pagkakataong hindi ka sigurado
Kung sumabit ka o gumamit ka
Minsan 'ka ko parang may bumubulong sa hangin
Na hindi ko maintindihan ang sinasabi sakin
Oh ano ba talaga 'ko
Katas ng nagawa ko
Ang magpapakilala kung sino 'ko bilang tao yeah
[Verse: Ramdiss]
Ang mga luha pawis at dugo
Kasama ng mga tulang binuo
At ang mga mensaheng hindi mabukong
Nakatago sa loob ng aking bungo
Kalakip ang pananggulo at pagkatao
Iilan lang yan sa mga tinaya ko
Sa laro na hindi mo makabisado
Kung kelan ka dadampian ng panalo
Pintuang sarado na may matibay na kandado
Ang tatambad sa harapan ng mukha mo
O nasa'n ang susi hinanap ang kaso
Natagpuan ko ay barang malamaso
Kaya kahit na 'di pinahintulutan
Binakbak walang hintuan
Kalimutan kapalarang kapikunan
Kalingunan ko sa bintana
Ay mga kabiguan at ang buwan na gusto kong bigwasan kapagkabilugan
Ginagawa ko to dahil sa gusto ko
Di lang dahil uso ito ay sinasapuso ko
Dugo ng makata dumadaloy dito sa pulso ko
Kaya malalim pag tumarak mga pinupunto ko
Maging inspirasyon sa lahat ang pinakagusto ko
Katulad ng mga sinusundan at iniidolo
Tatatak sa bungo nyo ang iiwan kong liriko
Di ako magreretiro dito ng wala 'kong titulo
[Chorus: Gloc-9]
Ako’y nalilito
Naririnig mo ba
Ang sarili kong nagsasalita
Wala namang nag-uusap
Pero bakit may bumubulong
Wala namang nagtutulak
Bakit umiikot ang gulong
Naririnig ko ang aking sarili
Sa 'yo na para bang kabiyak ng kabibe
[Verse: Bishnu]
'Di na bale kung wala kang pera
Panalangin lang dala basta wag ka lang sumuko
Pagkakamali ang makakapagturo
Kung saan karanasan lang ang makakahalubilo mo
Na pwede mong tawaging mga guro
Kapag nadapa natural lang masugatan talaga
Na mayron tayong mabigat na mga laban
Kung sakaling harapin mo kapag nanalamin
Sinasabi lang sayo kailangan mong magpagaling, uh
[Verse: Ramdiss]
Teka muna pano ko pa to matitigilan
Pag tagumpay na mismo ang napili kong katitigan
Mata sa mata nag-uusap kami ng masinsinan
Ako ang dyamanteng bagay sa kanyang palasingsingan
Madalas man kami magka-iringan ng kagipitan
Kalimitan mas pinipili ko pa ring masipingan
Ang pangarap na inaasam-asam ng karamihan
Sa huli pagkawagi lang ang gusto makahalikan
[Verse: Hero]
Raragasa na merong tanging dala
Baon sa bawat bakit nila
Pain ko na sa mga pangmamata
Kinagat nila dahil sa pananamantala
Pero di na ko dapat mag-alala
Binagahe ko na nang di na makaisa
Itinuring ko na lang na pagkadapa
Ala-alang dala habang tumatanda
[Verse: Ramdiss]
Hingang malalim 'pag nadapa
Bangon at kunin ang napala
Paulit ulit hanggang sa gumuhit
Sa utak nila ang 'yong nagawa
Kung di tumama 'ge isa pa
Kung di nakuha may iba pa
Wag mo sukuan sagarang sukdulan
Hanggang makapuga sa ibaba
[Verse: Hero]
Pa-unahan sa linya ng nakapila
Para lang maipakita
Sinagad ko hanggang sa huli na rima
Na walang daplis sa kada tira
Sasalampakan hanggang tumama
Baka sakali na makatyamba
Sinubukan at di ko inaakalang
Susi ay kwarenta’y kwatrong bara
[Verse: Bishnu]
Dami kasing bagsak katawan
Sa mga dumaang pagsubok
Kaya dumating na rin yung ilang gabi ko
Na pagtikim walang usok
Tila binalik yung dati kong tutok
Kahit nilamig hindi na nagkumot
Kahit matahin men sulat ka parin
Kasi alam mong binasa ka pag may lukot
[Outro: HeBishRam]
Na balang araw ikekwento ko sa magiging anak ko at magiging apo
Na hindi madali makipagsapalaran sa kapalaran depende sayo
At hindi ubra kung palagi nalang iaasa sa Dyos kung anong gusto mo
Dapat kumilos yan ang totoo 'di lahat ay isusubo sa 'yo