[Verse 1]
Habang ako'y nawawala
Alam kong may naghahanap sa 'kin na tadhana
At kahit pa nadarapa
'Di nagsasawa na bumangon at lumaban pa
Mabuti man o masama, may tapang na haharapin
Pagkat hindi ko bibitawan ang ilaw mo sa 'king dilim
[Chorus]
Hawak kita sa puso ko
Matindi man ang pagsubok
'Di tayo mapaglalayo
Aahon na kasama ka sa tagumpay
Hindi ka bibitawan hanggang sa dulo ng buhay
Hawak kita
[Verse 2]
Nasa'n kaya? ba't nawala?
O bakit mo kaya iniwan
Ako ba ang may sala?
Kay hirap ng nag-iisa
Ang nais ko'y kasama ka
Kaya't ang tangi kong hiling sana'y bumalik ka na
[Chorus]
Hawak kita sa puso ko
Matindi man ang pagsubok
'Di tayo mapaglalayo
Aahon na kasama ka sa tagumpay
Hindi ka bibitawan hanggang sa dulo ng buhay
Hawak kita
[Bridge]
At kahit pa walang katapusan itong bagyo
May sisilungan ka sa puso ko
[Chorus]
Hawak kita sa puso ko
Matindi man ang pagsubok
'Di tayo mapaglalayo
Aahon na kasama ka sa tagumpay
Hindi ka bibitawan hanggang sa dulo ng buhay
Hawak kita
[Outro]
Hawak kita
Hawak Kita (Theme from ”Las Hermanas”) was written by Ann Figueroa.
Hawak Kita (Theme from ”Las Hermanas”) was produced by GMA Playlist.
Jennie-gabriel released Hawak Kita (Theme from ”Las Hermanas”) on Sat Oct 16 2021.