[Chorus]
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Sayo naman pupunta
[Verse 1]
May dalawang daang paliko
Parang ganyan ganito
Hanap nasaan syay nandyan at narito
Hanggang mawala na sa pagkalito
[Verse 2]
Ng dahil sa iyo o sa kanya ay naguluhan
Sa may tenga niloko ka na ng mga bulungan
Ng anghel at demonyo na dala sa kaululan niya
Ay parehong in-oohan ng napagkasunduan
Ng para mabuo lang
[Verse 3]
Mapagsama na sa parte
Pagkat ayaw mawaglet
Sa may tama tsaka mali
Sana nga raw mabalik
Mga araw tsaka gabi
Agaw ang bawat saglit
Mga nakaw na sandali
[Verse 4]
Hiwalayan tila sa timbangan ng katipan
Binabalanse pagtas iwanan babalikan
Ibabahagi bawat bigayan at hatian
Di maamari sa may hiraman may bawian na
[Chorus]
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Sayo naman pupunta
[Verse 5]
San na nga ba pupunta
Naryan ka at naroon siya
San nga ba patungo
Sa may dalawa na mundo niya
[Verse 6]
Matatawid ba ang malabo
Malapitan pa ang malayo sa
Agwat distansya nagsarado
Pagkat na sa pagitan nga lang ang kaso
[Verse 7]
Naipit ng matukso ka nang kaliwaan
Naging gitna ng dugtong sa magkabilaan
Nang mapili may gusto tsaka may kailangan
Makasarili ba kung yong hangad mapag isa lang
[Verse 8]
Ang kami at ang tayo
At ang dati tsaka bago
Ang kapalit at kasalo
Pagsamahin pagkatao
Para lang tanggapin
Nagkaiba naghalo
Sabay damahin ang salitang pangako niya na
[Chorus]
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Pagkatapos sa kanya ay sayo naman
Sayo naman pupunta
Hati was written by Lanzeta (PHL).
Hati was produced by .
Lanzeta (PHL) released Hati on Fri Apr 14 2023.