[Intro]
Pakinggan ang puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw lang
[Chorus]
Pakinggan ang puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw lang
[Verse 1]
Handa na ba na pakinggan ang naisulat kong harana?
Ang mga salitang nanggaling sa aking nadarama
Kahit simple lamang, gusto ko lamang malaman mo
Na tunay ang lahat ng 'to at 'di basta gawa lang
Pwede bang malaman kung nandyan pa ba si tita at si tito?
Makalumang paraan kahit sabihing 'di na uso
'Di na bale kung ganto basta’t tama ang motibo
Sasamahan pagtanda’t mamahalin ka hanggang dulo
At kahit na mataas man ang hagdan ay
Aakyat pa rin ng ligaw kahit dahan-dahan
Hangad ko lamang tunay na pagmamahalan
Handog ko na pag-ibig ay pangmatagalan kaya
[Pre-Chorus]
Pwede ba? Pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba ikaw lang talaga
[Chorus]
Pakinggan ang puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw lang
[Verse 2]
Makabago na harana
Pakinggan mo ang humahanga
Tila hindi mo alintanang napapangiti ka na habang ako ay umaawit ng
Makabago na harana
'Wag ka lamang magsasawa na dumungaw sa bintana
Sa tuwing bumibisita bitbit ang aking gitara
Aawitan ka ng para bang kasali sa parokya
Nilalakasan ang aking loob sa tuwing pinapanood
Ang iyong mga mata na sakin ay nakasunod
Abutin man ng anong oras, taon man ay lumipas
Pangakong 'di kukupas ang pag-ibig kaya
[Pre-Chorus]
Pwede ba? Pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba ikaw lang talaga
[Chorus]
Pakinggan ang puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw lang
Pakinggan ang puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw lang
Hara was written by Raven (PHL).
Hara was produced by Raven (PHL).
Raven (PHL) released Hara on Sat Jun 11 2022.