[Verse 1]
Kumikislap ang mga mata
Naghahanda ang mga luha
Unti-unting paparating
Sabay ng pintig ng pusong
Hindi nakuha ang hiling
[Pre-Chorus]
'Di makalapit sa lumalayong mga paa
Hanggang masid na lang, walang magagawa
Pilit na kumakapit sa lupa't nagpapapigil na pigilan ka
[Chorus]
Hanggang saan iiwan
Ng iyong mga hakbang (Habang nag-aabang)
Hanggang saan ka tatanawin
Habang sumisigaw na 'wag mong lisanin
(Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh)
[Verse 2]
Umiiyak sa mga bulaklak
Na 'yong hatid sa'king silid
Wala nang tiyak na magbabalik
'Di na sana binitiwan ang huling halik
[Pre-Chorus]
Ngunit 'di makalapit sa lumalayong mga paa
Hanggang masid nalang, walang magagawa
Pilit na kumakapit sa lupa't nagpapapigil na pigilan ka
[Chorus]
Hanggang saan iiwan
Ng iyong mga hakbang (Habang nag-aabang)
Hanggang saan ka tatanawin
Habang sumisigaw na 'wag mong lisanin
[Refrain]
Hanggang saan mag-aabang
Hanggang saan
Hanggang saan mag-aabang
Hanggang saan
[Chorus]
Hanggang saan iiwan
Ng iyong mga hakbang (Habang nag-aabang)
Hanggang saan ka tatanawin
Habang sumisigaw na 'wag mong lisanin
[Outro]
Hanggang saan mag-aabang
Hanggang saan
Hanggang Saan was written by Rangel (PHL).
Hanggang Saan was produced by Brian Lotho & Jonathan Ong.
Rangel (PHL) released Hanggang Saan on Fri Apr 09 2021.