[Verse 1]
Hindi ko maintindihan kung bakit ba naiiba
Naghahangad makatagpo ng magbibigay kahulugan
Kailan kaya magtatapos ang aking sakit na nadarama?
Paano kaya makakawala dito sa 'king pagkakulong?
[Chorus]
Sumisigaw kahit 'di naririnig
Umaasang ako'y mahahanap na rin
At ngayong ika'y nandito na, may liwanag sa dilim
Dahil sa'yo ako'y maghihintay
Hanggang makita kang muli
[Verse 2]
Hindi ko maintindihan kung bakit ika'y naiiba
'Di tulad nila, 'di ka takot
Iyong pagtingin sa 'ki'y totoo
Hindi ko man maipahayag
Sa puso ko alam na ikaw ang sagot sa 'king pagtatanong
Kung ano ang saysay ng buhay
[Chorus]
Sumisigaw kahit 'di naririnig
Umaasang ako'y mahahanap na rin
At ngayong ika'y nandito na, may liwanag sa dilim
Dahil sa'yo ako'y maghihintay
Hanggang makita kang muli
[Interlude]
Ooh-ooh
[Buildup]
Dahil sa'yo ako'y maghihintay
Hanggang makita kang muli
[Chorus]
Sumisigaw kahit 'di naririnig
Umaasang ako'y mahahanap na rin
At ngayong ika'y nandito na, may liwanag sa dilim
Dahil sa'yo ako'y maghihintay
Hanggang makita kang muli
Hanggang Makita Kang Muli was written by Arlene Calvo.
Aicelle-santos released Hanggang Makita Kang Muli on Mon Mar 07 2016.