[Verse 1]
Dugo sa 'yong paanan
Pawis sa 'yong katawan
Luha at kasawian
Alipin sa sariling bayan
Halos araw-araw
Damdamin ay sumisigaw
Sa kalye at pagawaan
Bayan ay pasan-pasan
[Chorus]
Manggagawa, haligi ng Maynila
At sa lahat ng sulok ng bayang nagdurusa
Manggagawa, tunay kang dakila
Putulin man ang 'yong dila, husto ka sa gawa
[Verse 2]
Uring natatangi
Uring 'di pagagapi
Prinsipyong 'di mabali
Haligi ka ng lahi
Maubos man ang lakas
Simula'y niningas
Sa mukha mo'y mababakas
Ang matatag na bukas
[Chorus]
Manggagawa, haligi ng Maynila
At sa lahat ng sulok ng bayang ginahasa
Manggagawa, tunay kang dakila
Putulin man ang 'yong dila, husto ka sa gawa
Haligi ng Maynila was written by Chickoy Pura.
The-jerks released Haligi ng Maynila on Fri Nov 07 1997.