[Verse 1]
Ang dalawa'y naging isa
Pangako mo’y napano na
Ang puso kong buong-buo
Nagdurugo, naghihingalo
Kung pwede lang na mabura
Alaala nating dalawa
Wala na sanang dahilan
Upang balikan ang pagmamahalan
[Pre-Chorus]
Tama na tanggapin na
Sarili ay 'wag nang saktan pa
[Chorus]
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Sa piling niya ika’y masaya
Nilimot mo na tayong dalawa
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Puro hapdi ang nadarama
Hindi ba't tanggap na may mahal ka nang iba?
Tinatanaw kayong dalawa
Habang ako ay mag-isa, oh
[Verse 2]
Ang una'y bakit nahuli
Sa dulo ay ibang pinili
Bakit ba sinimulan?
Ang sumpaan wala raw iwanan
Kung di naman paninindigan
At iba ang iyong kahahantungan
Inalay pa naman sayo
Ang oras ko ang buong mundo
[Pre-Chorus]
Tama na tanggapin na
Sarili ay 'wag nang saktan pa
[Chorus]
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Sa piling niya ika'y masaya
Nilimot mo na tayong dalawa
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Puro hapdi ang nadarama
Hindi ba’t tanggap na may mahal ka nang iba? (May mahal ka nang iba)
Tinatanaw kayong dalawa
Habang ako ay mag-isa, oh
Oh-oh-oh-oh, oh-oh
Oh-oh-oh-oh, oh-oh hmm-hmm
[Pre-Chorus]
Tama na tanggapin na
Sarili ay ’wag nang saktan pa
[Chorus]
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Sa piling niya ika’y masaya
Nilimot mo na tayong dalawa
Habang ako'y mag-isa (Mag-isa)
Puro hapdi ang nadarama
Hindi ba't tanggap na may mahal ka nang iba?
Tinatanaw kayong dalawa
Habang ako ay mag-isa, oh
Habang Ako’y Mag-Isa was written by Marlo Mortel.
Marlo Mortel released Habang Ako’y Mag-Isa on Sat Oct 27 2018.