[Intro]
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Mm-mm
[Verse 1]
Dito ka lang
Sa yakap kong kanlungan ng yong pagmamahal
Ikaw ay sapat, hali ka't ipahinga
Ang pusong pagod masaktan
Ako ang libro na nagbunga sa ’yong pag-aaruga
Ang kwentong ito ay panghabang-buhay, nakalaan na
[Chorus]
'Wag kang matakot
Dahil itong kabuohan ko ay para sa'yo
Ikaw ang gustong makasama (Ikaw ang gusto)
Kapag gumuho na ang mundo
[Verse 2]
Bawat araw, bawat sandali
Nananabik at ikaw ang sanhi
Bawat hangad, bawat puntahin
Ang mapa ay umaakay sa’yo pa rin
Ang buwan sinangguni sa'yo (Sa'yo)
Sa kinang hanggang sa alindog
Kung 'di ka handa magbukas ng pinto
Uukit ng susing lalaya sa'yo
[Chorus]
'Wag kang matakot
Dahil itong kabuohan ko ay para sa'yo
Ikaw ang gustong makasama
Kapag gumuho na ang mundo
'Wag kang matakot
Dahil itong kabuohan ko ay para sa’yo
Ikaw ang gustong makasama (Ikaw ang gusto)
Kapag gumuho na ang mundo
[Outro]
(Paano ba magmahal?) ’Wag kang matakot
(Paano ba magmahal?) Sabay lang sa agos
(Paano ba magmahal?) Hayaan ang puso
(Paano ba magmahal?) Tapusin ang kwento
Guho was written by Dominic Guyot.
Guho was produced by Ana Luchavez Maningo.