Nakalulan sa bangka ang mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Saklolo, saklolo tulungan nyo akong intindihin
Pa’no ba tayo dumating sa ganito
Sumasagwan na tayong palayo, palabo ng palabo
‘Di ko na makita ang pangpang
Nang ‘yong isipang di malaman para bang
Isang daang sanga-sanga, saan ba tayo papunta
Kung palaging hindi mo alam
Ang sagot sa’king tanong kung sino ba ‘ko sa iyo
At sa mundong ‘yong ginagalawan
Mas pipiliin ‘kong wala ‘wag mo lang akong iiwan
Sa gitna ahhh hah…
Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah…
Ayoko lang maiwan sa gitna
Sa gitna nitong dagat ng kawalan
Kung saan pinilit kong lunurin ang
Pagtangi na hindi maaari, hindi ko mawari kung ‘bat natutong lumangoy
Kaya ang puso ko ngayo’y nananaghoy
‘Di ba puti’t itim lang ‘to bakit tayo kulay abo
At palaging hindi mo alam
Ang sagot sa’king tanong kung sino ba ‘ko sa iyo
At sa mundong ‘yong ginagalawan
Mas pipiliin ‘kong wala ‘wag mo lang akong iiwan
Sa gitna ahhh hah…
Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah…
‘Wag mo lang akong iiwan sa gitnang
Walang kasiguraduhan, wala kasing kahulugan ang mga
Salita na palagi mong binibitawan tuwing magtatanong
Ano nga ba talaga tayo, napakalinaw ng malabo
Gusto ko nang makatusan, hindi pa nagsisimula pa lang
Kahit alam ko nang dehado, inunawa’t anong sabi mong
‘Di pa ko sigurado, oo o hindi wala namang tama o mali
‘Wag mo lang sana naman akong iiwan sa gitna hah…
Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah…
‘Wag mo lang akong iiwan hah…
Ayoko lang maiwang nakalulan sa bangka
Ng mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Gitna was written by Davey Langit.
Gitna was produced by Davey Langit.
Davey Langit released Gitna on Fri Dec 14 2018.