[Verse 1]
Mayro'n isang binata
Akala mo kung sino
Kung siya ay kumilos
Daig pa'ng may trono
Kung siya ay matulog
Daig pa ang lolo
[Refrain]
Gising na
O kuya ko
[Verse 2]
Ang hilig ng
Binata'y
Mag-goodtime ng
Mag-goodtime
Di man niya naisip
Siya rin ay tatanda
Darating ang araw
Wala nang kinabukasan
[Refrain]
Gising na
O kuya ko
[Verse 3]
Maghanap ka ng trabaho
Magbanat ka ng buto
Pagbigyan ang iyong magulang
Dinggin mo
O kuya ko
[Instrumental Break]
[Verse 4]
Masdan mo
Nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang iyong
Pagbangon
Pag huli na ang lahat
[Verse 5]
Mayro'ng isang binata
Hindi na siya natuto
Akala niya ang buhay
Gawang biro ito
Hindi man niya naisip
Lahat ay may dulo
[Refrain]
Gising na
O kuya ko
[Verse 4]
Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang iyong
Pagbangon
Pag huli na ang lahat
[Refrain]
Gising na
O kuya ko
Gising Na O Kuya Ko was written by Coritha & Pangguy Francisco.