Download "Ginto"

Ginto by Mhot (PHL)

Release Date
Sun Apr 12 2020
Performed by
Mhot (PHL)
Produced by
Ever Since
Writed by
Mhot (PHL)

Ginto Lyrics

[Verse 1]
Dalawampung taon, panahon na yata 'to ng pagtitino
Nais ko lang ibahagi ang mga bibihira ko lang maikibo
Mga alaalang ginto sa anuman na naging kabanata nito
Ang pag-ibig sa bawat ugnayan ang kayamanan na siyang naitatabi ko
Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat ay manindigan ako
Katwiran niyang 'wag mong pamamarisan ang pang-iiwan ng ama mo
Maraming salamat sa'yo, paumanhin na rin kung napaaga ako
'Eto ako't dala ko ang pangaral mo, karga ang mahal mong apo
Wala mang haligi lubos ang tyaga mo sa akin
Sa paghalili nyo na parating nar'yan lang, maging sa mga t'yahin
Sa lola at nobya kong nagtiis sa'king perwisyong kung susumahin
Ay kasing dami rin ng sakripisyo niyong ang pasaway na 'to'y mas unawain
Mga lumaking kasabay, pinsang-buong naghiwa-hiwalay
Sa ngayong nahahagilap sa mundong magulo kung anong ikatitiwasay
Ngunit ang nasa isip ko ay marating man ang hindi akalain
Sa paglalakbay, nasa lilingunin pa rin ang magagandang tanawin

[Verse 2]
Mga kababata, kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon
Maging sa mga nakilala ko sa paggawa ng mga maling desisyon
Sa una kong subok, mga nakitawa at kakuntsabang naging saksi ning
Pa-ubo-ubo pa ko sa unang buga at pagsusuka ko sa unang inom
Kapuyatan, laging konsumisyon sa mga tanod
Mga kaklaseng kasabay kong umuwi 'pag tumatawid do'n sa bakod
Mga katrabahong ka-utangan at kapangakuan tuwing sahod
Silang mga kasangga kong sa kalokohan, nagpapakalan ng apog
Mga kasindihan kong magdamo, kabilang na ang ilang 'di tumino
Na sa dating halaman lang, nung nalasahan na ang kemikal, 'di na nagawa pang huminto
Mga alok niyo man ay aking nabigo, nawa'y ipagpaumanhin ninyo
Sa halip, tanawin niyo na pagkasagip ang naging kapalit ng pagtanggi ko
At sa ngayon, kamustahan na lang, napabuti man o mas nalulong
Tanguhan na lang sa mga pagkakataong sa daan ay magkakasalubong
Dala ko pa rin ang naranasan ko no'n, marating man ang 'di akalain
Higit sa destinasyon ay nasa paglingon pa rin ang magagandang tanawin

[Verse 3]
Mga alaalang nasa litrato o mga imahe na nasa isip
Balik-tanaw kong tinatrato bilang mga buhay na panaginip
Na kadalasan kong sinisilip sa mga oras na matahimik
Tanging nanatili kong baon sa pabago-bagong paligid
Marating man ang kaibuturan ng mga pangarap mong kinasasabikan
'Wag mong kakalimutan lahat ng nasa 'yong pinagmulang 'di mapapalitan
Dahil ang iyong matututunan kung sakaling dumating ka sa kasawian
Wala ka mang mapatunguhan ay mayroon ka namang mababalikan

Ginto Q&A

Who wrote Ginto's ?

Ginto was written by Mhot (PHL).

Who produced Ginto's ?

Ginto was produced by Ever Since.

When did Mhot (PHL) release Ginto?

Mhot (PHL) released Ginto on Sun Apr 12 2020.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com