Ganti Ng Patay by Zaito
Ganti Ng Patay by Zaito

Ganti Ng Patay

Zaito * Track #1 On Ganti Ng Patay

Download "Ganti Ng Patay"

Ganti Ng Patay by Zaito

Release Date
Sat Feb 28 2015
Performed by
Zaito

Ganti Ng Patay Lyrics

[Verse 1]
Sa bawat paghakbang ko ng mga paa
Sa bawat ngiti at mga luha sa mata
Sa bawat tayo ng balahibo ko'y dama
Kung bakit madiin ang pagkasulat ng kanta
Binuo ang kanta kong hindi gano'n kadali
Pira-piraso na piling salita ang tinahi
Na may pagmamahal kong iniwasan ang mali
Ng sa aking pagbalik ay malakas ng muli
Naaalala mo pa no'ng bago magkahiwalay?
Nakangiti pero banaag ang bigat ng lumbay
Ang kalooban ko'y para bang gusto ng bumigay
Pero tungkulin kong tapusin ang ganti ng patay
Halos magdilim sa pagod ang aking paningin
Kahit sabik sa yakap ng anak handang tiisin
Ako ay nagpatay malisya sa mali nilang sagot
Sumasaya ang buhay ko kapag malungkot

[Chorus]
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?

[Verse 2]
Tagtag ang isipang inuukilkil ang sagot
Sasabay pa ang pagdapo ng minsanan kung bagot
Imahinasyong malikot, baka kulang sa sundot?
Badtrip umuulan na pero parang tagtuyot
Ako'y gagala-gala muna para di mainip
Maghahanap sa kasalubong kong pareho ng trip
Magkita-kita sa mata kahit sumabit sa jeep
'Di baleng sigawan ako wag lang tawagin na plip
(Plip!)
Buong puso kong sinagupa ang taas ng mga alon
Sinalubong mag-isa kahit na mabigat ang hamon
'Di alintana ang dugo, ang katawan ko ng bumangon
Saksi sa harap mo'y mga bangkay na tumilapon
Tagaktak ang butil-butil na pawis ng bano
Ang yayabang umasta, eh hindi naman 'kano
Inaaral ko 'yung laro, patawa-tawa si Anygma

[Interlude: Anygma]
Zait, steady
Alam kong solid ang baraha

[Chorus]
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?

[Verse 3]
Istorya ng pag-aalsang nakatakdang isulong
At ni-minsan, sa hinirang, 'di sumagi ang pag-urong
Mga bulong sa tenga kong nagpatayo ng balahibo
Pila-pila ang espiritung gagamit ng laman ko
Tinanggap ko sa loob ng magsarado ang talukap
Nakatitig habang panulat, mariin kong hawak-hawak
Nag-iyakan ang anghel sa pagnanasa kong bumawi
Ganti ng patay, utos ng espiritung naghari
Dinig ng rosas, dugong hindi mapigil ang buhawi
Nais maisambit ng kagat-kagat na labi
Nag-ungulan ang langit
(Ngit)
Sa tagal ng pagkatali
Umalingawngaw ang sigaw ng tumayong muli ang hari
Ang espiritu'y hindi lang sa lakas ng pagkabawi
Mahigpit mang nakagapos ang kamay pero nahawi
Bawat bahagi ng salansan ang pagkakahati
Kung sinong tunay at hindi, ikaw na ang pumili

[Chorus]
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?

Ganti Ng Patay Q&A

When did Zaito release Ganti Ng Patay?

Zaito released Ganti Ng Patay on Sat Feb 28 2015.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com