Flow G released a new single, ‘G Wolf,’ proving once again that he is a beast on the microphone.
The hauntingly beautiful Trap beat goes forward and backward before the ominous violins kick in. Flow G starts rapping and never really stops. His boastful verses sound like a victory howl during a long...
[Verse 1]
Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo
'Yong ako'y magpaka-beast pero at least
Lagi pa ring nasa list, kahit walang ni-release
'Yong mga diss buti na lang natiis ko kahit nakakainis
Sa "Unli" pa lang ay panis na, wala 'kong kailangan i-please
Ako lang ang 'di lumusog pero 'yong sulat busog
'Yong beat ay palaging sunog
'Di na sumusulat nang hindi magkakatunog
'Di pa ba kayo nakatunog?
Sa'kin lang kayo makakanood na 'yong tsamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa
'Yong taong nagsabi sa akin 'di pa ako hubog
Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (Wow!)
Mga ugok (Ugok), magkakasabay na bulok (—lok, —lok)
'Di kami 'yong dahilan kung bakit 'di na kayo patok ('Di)
Sadyang 'di na pasok dito 'yong mga tira pasok
[Verse 2]
Napakadami ko naalog
Simula no'ng nakita nila akong tumula ng padabog
Lahat sila sa'kin pasugod
Totoo pala ang inggit ay hindi na kaya magamot
Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
Laging may nag-aamok
Kahit na wala ko inalok may sumasagot
Hoy, ano ba naman, ambot
Parang sa buwan sumuntok, mga pumutok
Pero sa pangalan namin nakabuntot
Mga kumurot na lumagabog ang mga tunog
Na akala nila kabuteng sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna pati sila mauntog
Bago pa makarating sa tuktok
Sira tuktok, panahon niyo na maudlot
Kasi kami na ang taga-tuldok
[Bridge]
O, sige, namnamin niyo lang
Pero pagtagal malalaman niyo rin ang sumatutal
Kung gusto niyo mapansin, sige lang
Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular
[Refrain]
Hoy, 'di 'to madali, boy
'Wag niyo na 'kong kinekengkoy
'Di ko na rin kayo ka-lebel, oy
Malaki na ang kaibahan (Malaki)
Kahit magtanong ka pa sa iba d'yan
Basta may alam, alam niya na 'yan
Diyos ko naman 'pag 'di pa inamin ewan ko na lang
[Verse 3]
O, sige, ito pa baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon
Ito 'yong tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon
'Di 'to para sa palakpakan, gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pangkalmahan na kantahan, 'yon ang 'di niyo nalaman
'Yon lang ang ginawa kong hakbangan hanggang sa nagkapangalan
Habang 'yong ibang kunwaring nababawan, ginawa akong hagdanan
Ang daming nakulangan, nahinaan, kailangan ko pa yatang pakitaan
Kaso nga lang, 'di na bale baka sa'kin pa madaming mayabangan
'Di mahulaan 'yong tugma, 'di lang sa dulo may suntok
Pati sa gitna mula umpisa, may pinupunto 'to (Boom)
Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
Dahilan ba't nawalan ng papel 'yong iba at 'yon ang totoo
'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat
Dire-diretso ang lakad patunay na mga paa'y sa lapag nakatapak
Banat nang banat hanggang matupad lahat ng mga balak
Mapasakamay ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak
Kasi nga gano'n naman talaga dapat (Damn!)
Sa dami nang pinakalat, eh bakit ang dami pa rin nasasabi na lait?
Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa'min sila lumalapit
Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik
'Di ka na dapat nagagalit, kung 'di mo gusto makisabit
[Outro]
O, gusto niyo ng flex, sige, ito pa 'yong next
Tignan niyo na lang kung sino 'yong nakaabante (Nakaabante)
Kita naman kung sino 'yong naka-dyamante (Ice, ice)
Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
Pero kapag umatake, mas mabango pa 'yong tae ng elepante
Akala ko ba magaling bakit nand'yan pa rin (Nand'yan pa rin)
Tignan niyo na lang kami, layo na ng narating
Mula no'ng kami dumating
Lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
Nakita kasing iba 'yong nagmamagaling sa tunay na magagaling