[Verse 1]
Sa muling pagkikita
Sana ay makayanan ko nang tumingin
Sa iyong mata
Sa tuwing magkasama
Nanginginig ang labi
Damdamin 'di masabi sa’yo
Paano ba 'to?
[Pre-Chorus]
Di ko man lang naisip na
Baka ikaw ay mawala
[Chorus]
Sawa na ako na itago ang damdaming ito
Di na ako mapakali kasi nais ko sanang
Marinig ang matamis mong oo, oo, oo, oo
Ang matamis mong oo, oo, oo
[Verse 2]
Pagdating ng Lunes
Papasok na ganado kasi may sasabihin ako
Sa iyo. (sabihin sa’yo)
Pwede ba kitang alagaan
Gagawin ang lahat para ika’y mapasakin
Ika’y aking panalangin
[Pre-Chorus]
Di ko man lang naisip na
Baka ikaw ay mawala
[Chorus]
Sawa na ako na itago ang damdaming ito
Di na ako mapakali kasi nais ko sanang
Marinig ang matamis mong oo, oo, oo, oo
Ang matamis mong oo, oo, oo
[Bridge]
Pangako sayo gagawin ang lahat
Ako’y gagalaw kahit na may lagnat
Sa’yo titingin kahit na madilim
Makita ka lang, ako ay gagaling
Di ka iiwan, di pababayaan
Sa isang minuto nasa harapan
Sa kin ka kumapit, wag kana matakot
Kasama kita, sa mundo tayo’y lilibot
Yeah
Kapag kasama ka
Lungkot mawawala
Handa kong ipakita ang barahang dala
Ako’y nasa ulap na
Ayokong bumaba
Buhay sisigla ‘pag nakikita kita
[Chorus]
Sawa na ako na itago ang damdaming ito
Di na ako mapakali kasi nais ko sanang
Marinig ang matamis mong oo, oo, oo, oo
(Di na ako mapakali kasi nais ko sanang marinig ang matamis mong oo)
Ang matamis mong oo, oo, oo
(Di na ako mapakali kasi nais ko sanang marinig ang matamis mong oo)
Funk-ibig was written by Prince Ben & Jong & Pxrple.
Funk-ibig was produced by Jong & IceCreamDietCake.