From Torillo, With Love by Hev Abi
From Torillo, With Love by Hev Abi

From Torillo, With Love

Hev Abi * Track #5 On Kung Alam Mo Lang

From Torillo, With Love Lyrics

[Chorus]
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like ooh-ooh
So don't nobody else make me feel like oh-oh
Don't nobody else

[Verse 1]
Kung magsusulat na lang din, pag-iisipan ko na
Nakabara kong lihim, pa'no ba isisinga?
Mabulaklak na mensahe, kagat ng prinsipe na
Sa kabilang ibayo may sinisipat
Parehas lang tayong dinaig ang mga kulog at kidlat
Kesyo hiwalay ating kwarto't mga puno lang agwat
Ano bang klaseng pantasya 'to parang 'asa alamat
Parang pinagtitripan tayo ng tadhana dalawa
Hiya ko hindi mawala, 'di alam ba't sa'yo gan'to 'ko sa iba walang 'ya
'Di alam ba't sayo nabobobo, natataranta
Gusto ka angkas sa auto, bintana nakababa
Music natin nakatodo, ako lang nakagawa
Na pasayahin kang tunay, ang gusto ko na maging
Kahit nasa syudad tayo 'pag and'yan ka ay hardin
Ang paligid kahit may onting alangan
'Pagkat ang lihim ko, 'di mapakawalan
Kung alam mo lang

[Chorus]
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like ooh-ooh
So don't nobody else make me feel like oh-oh
Don't nobody else

[Verse 2]
Ang sarap mo pagmasdan sana kaso ang lakas mo makiramdam
At least alam kong alam mo kahit walang balitang umaabot sa'yo na ikaw ang laman
Na tumatakbo sa isip ko, pa'no ba pag-ibig mo?
Susubok sana kaso ayaw kita na nabibigo't
Hawa ko 'pag baliktad ang ngiti't pangit ang gising mo
Pakiramdaman natin malakas, 'di matanggi
Posible ang imposible 'pag tayo nagtabi
Sa dila may isang hati na lusaw, oh, ang sarili nadinig sa'king tanim malaya ka makidilig
At ang yakap ko'y bukas para sa'yo kahit parang may kuryente
'Pag ang balat natin ay nagtatagpo
Kahit asa lang sa swerte't kapalarang galaw ko
Kasi ayaw ko 'tong masayang kung ganto lang ay gan'to na lang
Kaysa naman meron pa 'kong sabit na masambit
'Di bale na hindi tumama kesa na magkamali
Kung alam mo lang

[Chorus]
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like ooh-ooh
So don't nobody else make me feel like oh-oh
Don't nobody else

[Verse 3]
Yo, galawin mo naman ang iyong baso at hindi ko maiwasang magparinig sa kanta
Pagkat 'di ko alam san aabot ang pakiramdaman nating dalawa na parang walang katapusan
'Di ko nga alam kung pano papadinig sa'yo 'to, masyado yatang personal
Pero nakakatawa lang 'pag nadinig ng tropa 'to, wala silang kamalay-malay, ikaw salarin
Pero 'di ko din masabi, eh pa'no kung niloloko lang ako ng isip ko't lahat ng 'to'y ako lang din ang may alam
Kaya yugto ng buhay ko ngayon pinangalanang "Kung Alam Mo Lang"
Umiikot sa wala lang mga gusto sabihin, dinaan sa sining mga mensahe ko't nararamdaman
Sana 'di masira, gawa ng liham kong tapat
'Di maligpit ang emosyon ko pa sa'yo ay kalat
Ebidensya ay dahan-dahan na ring lumalabas
At nadarama ko sa'yo palakas nang palakas
Kung alam mo lang

[Chorus]
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like boo
Don't nobody else make me feel like ooh-ooh
So don't nobody else make me feel like oh-oh
Don't nobody else

From Torillo, With Love Q&A

Who wrote From Torillo, With Love's ?

From Torillo, With Love was written by Hev Abi.

Who produced From Torillo, With Love's ?

From Torillo, With Love was produced by Hev Abi.

When did Hev Abi release From Torillo, With Love?

Hev Abi released From Torillo, With Love on Fri Oct 20 2023.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com