[Intro: Loonie]
Kapayapaan sa sarili, kailan ko pa ba matatagpuan?
Araw-araw na lang ang pag-aalala
Parang wala na siyang katapusan
[Verse 1: Loonie]
Dumudugo ng luha ang mga mata 'pag ang puso'y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan
Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan, pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan, nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto
Nako po
[Pre-Chorus: Loonie]
Habagat na ang ihip, 'pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya
[Chorus: John Roa]
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
'Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na
[Verse 2: Loonie]
'Wag kang magpapalimita sa iisang plano
('Wag na 'wag, 'wag na 'wag)
Imbis na mainip, pag-isipan pa nang maigi kung pa'no
(Magdamag, magdamag)
Malimit, mahilig magbilin sa ibang tao
Ngunit tila 'di ko masunod-sunod ang sarili kong payo
Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pag-ibig, maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan nang pampakalma, ayoko nang maalala ang pag-aalala
Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
[Pre-Chorus: Loonie]
Habagat na ang ihip, 'pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya madalas ay
[Chorus: John Roa]
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
'Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na
[Bridge: Loonie]
Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba, ito'y sakit sa utak
Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong, may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko 'yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pang mamundok
O kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
[Verse 3: Loonie]
Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang
Sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara, paglabas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang, lahat tayo balang araw, isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan
Nung ang makitid ko na pag-iisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
[Chorus: John Roa, Loonie]
Gusto lang namang kumawala (Ah-ah)
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala (Pero bakit?)
'Di ko na alam kung saan ako dinadala ('Di ko na alam)
Gusto lang namang kumawala (Gusto lang namang kumawala)
(Gusto lang naman)
Ng isip kahit pansamantala (Kahit pansamantala)
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na
Eskapo was written by Loonie & John Roa & Jim Poblete.
Eskapo was produced by Jim Poblete & RJ Pineda & Ryan Pineda & 青木研 (Ken Aoki).