[Verse 1]
Nakadungaw sa bintana
Pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan
Inaalala mga sandaling ika'y kasama
Sa mundong hindi tama
[Pre-Chorus]
'Di maiwasan
Na muling buksan
Sa isipan ang ating
[Chorus]
Mga nakaw na sandali
Na nananatili pa rin
Bakit gan'to, hindi ko 'to gusto
Paano na ako, hindi makausad
'Pagkat hawak mo pa rin ako
[Verse 2]
Nakatulala, nagmumuni-muni
Naririndi sa sinisigaw ng damdamin
Sinusubukan ko naman na pigilan
Pero
[Pre-Chorus]
'Di maiwasan
Na muling buksan
Sa isipan ang ating
[Chorus]
Mga nakaw na sandali
Na nananatili pa rin
Bakit gan'to, hindi ko 'to gusto
Paano na ako, hindi makausad
'Pagkat hawak mo pa rin ako
[Interlude]
Oooooooh, oooooooh
Oooooooh, oooooooh (Woah, oh)
Ahhhh, ahhhh, ahhhh
[Chorus]
Mga nakaw na sandali
Na nananatili pa rin
Bakit gan'to, hindi ko 'to gusto
Paano na ako, hindi makausad
'Pagkat hawak mo pa rin ako
Dungaw was written by Adie (PHL).
Dungaw was produced by Adie (PHL).
Adie (PHL) released Dungaw on Fri Jul 16 2021.