[Intro]
'Di ka bibitawan, hah, ah
[Verse 1]
Liwanag man o dilim
Ginhawa't suliranin
Tatahakin lahat kasama ka
Lilimutin ang takot at kaba
[Pre-Chorus]
Dahil nais kang damayan, luluha kung kailangan
Handa akong maging sandalan mo, oh-oh
[Chorus]
Hahawakan ang iyong mga kamay
Iingatan sa ligaya at lumbay
Oras ng kalungkutan, 'di ka bibitawan
Hahawakan ang iyong mga kamay
[Verse 2]
Sinta, 'wag nang ilihim
Ang 'yong saya't panimdim
Pipiliin ang paghihirap
Sa init ng isang yakap
Kung galing lang sa iba
[Pre-Chorus]
Nais ko na manatili sa iyong tabi
Sa palitan ng araw at gabi
[Chorus]
Hahawakan ang iyong mga kamay
Iingatan sa ligaya at lumbay
Oras ng kalungkutan, 'di ka bibitawan
Hahawakan ang iyong mga kamay
[Bridge]
Kahit pa hindi kumapit pabalik
Sa tuwing nangingibabaw ang sakit
Mga yakap ay lalong hihigpit
'Di magbabago, ikaw hanggang huling pikit
[Chorus]
Hahawakan ang iyong mga kamay
Iingatan sa ligaya at lumbay
Oras ng kalungkutan, 'di ka bibitawan
Hahawakan ang iyong mga kamay
Hahawakan ang iyong mga kamay
Iingatan sa ligaya at lumbay
Oras ng kalungkutan, 'di ka bibitawan
Hahawakan ang iyong mga kamay
[Outro]
Oh-oh
'Di ka bibitawan (Hah)
'Di ka bibitawan (Hah)
'Di ka bibitawan (Hah)
'Di ka bibitawan
DIKA was written by Rangel (PHL).
DIKA was produced by Brian Lotho.
Rangel (PHL) released DIKA on Fri Nov 11 2022.