[Verse 1]
Nais mang itago
Takot lang mabigo damdamin ko
Pilit binabago mga tanong ng isip ko
Tunay ba 'to?
[Pre-Chorus]
Sa piling mo'y walang lungkot
Sa 'yo ako'y buong buo
[Chorus]
Bihag mo yaring puso
At parang biro na sa iyo ay mahulog
Bihag mo aking puso
At parang biro, nababaliw dahil sa 'yo
Bihag mo
Bihag mo
[Verse 2]
Tuloy tuloy sa isip, 'di ko na mapigil
Damdamin ko, damdamin ko
Pangako sa sarili 'di na nga iibig
Bakit ganito?
[Pre-Chorus]
Sa piling mo'y walang lungkot
Sa 'yo ako'y buong buo
[Chorus]
Bihag mo yaring puso
At parang biro na sa iyo ay mahulog
Bihag mo aking puso
At parang biro, nababaliw dahil sa 'yo
[Bridge]
'Di mo man nababatid (Di mo man nababatid)
Sa 'yong sulyap naaaliw (Sa 'yong sulyap naaaliw)
Itong puso'y umaawit
Isang himig na kay tamis
Pakinggan mo, iyong dinggin
Mga labi'y sinasambit
[Chorus]
Bihag mo yaring puso
At parang biro na sa iyo ay mahulog
Bihag mo aking puso
At parang biro, nababaliw dahil sa 'yo
Bihag mo
Bihag mo yaring puso
At parang biro na sa iyo ay mahulog
(Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah)
Bihag mo aking puso (Bihag mo aking puso)
At parang biro nababaliw dahil sa 'yo
(Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah)
Bihag mo
Bihag mo
Bihag was written by Kiko Salazar.
Bryan-termulo released Bihag on Fri Feb 05 2010.