Batugan by Flow G
Batugan by Flow G

Batugan

Flow G

Download "Batugan"

Batugan by Flow G

Release Date
Sat Jan 01 2022
Performed by
Flow G
Produced by
Flip-D
Writed by
Flow G

Batugan Lyrics

[Intro: Flip D]
Flip D on the beat

[Verse 1]
Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis magbanat ng buto nag-unat ng butong
May kasamang hikab, gano'n katamad
Sa bayabasan ka magaling mag-abang na malalaglag
At magtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka na nakakapkap
(Clap, clap, clap)
Ang hilig mo sa "Teka muna," kaya imbis salapi ang nakuha mo, muta
Punto ko sana makuha na baka sa kakahiga mo ay d'yan ka makuba
Anong misyon mo sa lupa? Magpatigas ng batuta?
Paramihin ang populasyon, ganyan ba talaga
'Pag walang ambisyong mataas 'di nalulula?
Buti pa tupa, napapastol, ikaw puro angas, tol
Halatang nagpapanggap, 'pag nasa labas ng door (Sa labas)
Iba-ibang palabas kaya madalas mag-mall
Akala mo lang nakahabol ka na pero 'di ka pa nakaka-score

[Bridge]
'Di lang pala 'yong tulog 'yong pwedeng may mapanaginipan (G-gising)
'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan (Hindi pupwede)
'Pag may nahiligan, 'di madalian, 'di madali 'yan (Hindi madali)
Ba't 'di pag-igihan, sige ika'y magpursigi kasi 'di pa huli

[Verse 2]
Pero sa'yo 'yan nakadepende, 'di 'yong nakabase ka sa swerte
'Di laging pupwede na 'yong pwede lang
Kung pwede nga, isipin na walang bagay na hindi pwede
Syempre 'di araw-araw a-bente-singko ng Disyembre
Darating at darating ang peste, 'yan ang dapat mong paghandaan
Kasi buti pa 'yong letche flan ay may plano kahit letche
Akala ko ayaw mo ng de lata? ('Kala ko!)
Pero lagi kang nakahilata (Bakit?)
'Kala ko ayaw mong tumunganga? ('Kala ko!)
Pero inuuna mo bunganga (Eh)
'Kala ko gusto mo ng biyaya? (Woo!)
Pero lagi kang nakatihaya (Damn!)
Sarili mo din ang dinadaya kasi sa katamaran mo siya niyaya

[Bridge 2]
Dapat kasi 'di ka pumapayag (Pu, pu, pu, pu)
Ikaw din naman ang mahihirapan (Brrt, pow, brrt, pow)
'Tsaka ikaw din ang manghihinayang sa masasayang

[Verse 3]
Hoy batugan 'di ka pa mayaman wala ka pang matabang wallet
Bakit 'di ka makabangon?
Baka bakal ang mukha mo tapos unan mo naman magnet
Pahiga-higa lang sa higaan 'kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit
Iba ka hanep, 'di nagpa-panic
Sanay ka bang walang budget o sadyang wala ka lang target? (At)
'Yong iba namang mga tamad ay mayro'n ding kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
'Pag walang-wala at pagka kailangan ay sa patalim kumakapit, 'pag walang arep
Sige ang dali, sige ituloy mo pa pare, hangga't hindi ka pa sumasabit
Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi
(Puro ka hingi!)
Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi 'yan nakakabilib
Tapos siya pa 'yong galit sa'yo sapilitan
'Yon naman ang 'di ko maintindihan
Tipong imposibleng 'di mo din kainisan
Kahit paulit-ulit mo pa sigehan
Mali ka na kahit na isang beses mo lang hindian

[Outro]
Sa mga naririnig mo sana nakatutok ka
Para matuto ka nang siraulo ka (Siraulo!)
Ang sakit mo na sa ulo kasi baka 'yong sakit mo nga ay nasa ulo na
'Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka
Kapag hindi ka ngunguya nang ngunguya mabubulunan ka naman
O 'di kaya bibig naman ay bubula
Kasi hindi 'to labanan ng patigasan ng mukha
Kaya matutong mahiya

Batugan Q&A

Who wrote Batugan's ?

Batugan was written by Flow G.

Who produced Batugan's ?

Batugan was produced by Flip-D.

When did Flow G release Batugan?

Flow G released Batugan on Sat Jan 01 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com