[Intro]
Tinangkang banggain ang tadhana
Pananim ko pa rin masagana
Mga mali ang sa'kin naghasa
Nabawasan ng gana
Pero kailanman hindi sinabi sa sarili na wala na
Muling bumalik bitbit ang katana
[Chorus]
Oras na para ilabas ang mga naipon ko sa bodega
Alam mo na 'pag nawala ay babalik ulit sa eksena
Ang eabab mo'y natutuwa dahil ang ngiti niya'y abot tenga
Kating-kati nang meron ilabas kahit na walang pampadulas
Sige, walang problema, yeah
[Post-Chorus]
Hala, oh siya
Eh 'di buksan ang pulang kurtina
Uh, Battousai
'Di ba sabi ko na 'di magpapatila?
(Hmm, pa'no ba?)
[Verse]
Tara na, handa ka na ba sa pangalawang
Kabanata ng mayor, nakinig ka ba?
Halika, gamit ang musika dadalhin kita
Tumawid ng swabe sa bagong era
Kasi balanse na parang Libra
Kita na mabisa, hinasa ng panahon kaya malalim kung humiwa
Tingnan daw natin baka mahina na
Baka mapurol 'yung dala-dalang espada
Kailangan matalas para maging tala
Hanggang magkaplake 'yung mga gagawing plaka
Kaya kahit na baliktarin man ang talim
Parang bandera na aangat pa rin
'Di masasayang ang mga ani at mga tanim
Kasama mga kapatid kapag tugatog narating, uh
'Wag sasabihin, naglaho, yayakapin ang talo
Palaging aaralin 'yung bago
Hanggang sa malagay sa armas ko at maihalo
[Chorus]
Oras na para ilabas ang mga naipon ko sa bodega
Alam mo na 'pag nawala ay babalik ulit sa eksena
Ang eabab mo'y natutuwa dahil ang ngiti niya'y abot tenga
Kating-kati nang meron ilabas kahit na walang pampadulas
Sige, walang problema, yeah
[Post-Chorus]
Hala, oh siya
Eh 'di buksan ang pulang kurtina
Uh, Battousai
'Di ba sabi ko na 'di magpapatila?
[Outro]
'Di na papaisa pa
Huli na kupal na taga-Tsina 'yung mata
Natauhan maiiyak ka talaga
Hindi mauubusan ng maiisip na kanta (Haha)
Tanda ko no'n ang daming peke
Gusto sumabit sa'min paglipad
Buti pa nga nang-iwan sa ere
Nabawasan ang mga pabigat
Habang nagmamasid-masid
Mga letra pinagkakabit-kabit
Handang makinig para walang kasing hawig
'Pag nakaidlip, hala, tapik, tapik, tapik
Papanik pa sa taas kung sa'n malamig
At malakas ang hangin papalutang sa mga ulap
Habang ang reyna 'ko'y nakakandong sa'kin
'Yun ang akin